(Masakit ang mata, halos maluha sa labo ng paningin habang nakatitig sa laptop kong kanina ko pa kinakausap....Nabasag kasi yung salamin ko ng minsang mag-inuman kami ng mga barkada ko. Tsk! Hirap ng walang salamin...Alas-tres na ng madaling-araw, tulog na ang asawa ko at halos maghilik pa sa sarap ng pagkakahimbing.. Hahaha! Natulog na naman 'to ng busog. Kailangan kong bantayan baka mahirapan na namang huminga...Hanggang maalala ko ang kwento ng isang malapit na kaibigang itatago natin sa pangalang SHEENA) Hehehe! Sana maitago ko nga.... :-P
Malayo ang tingin..... Tulala habang kumakain sa eroplanong di ko alam kung ilang oras ko ng kaulayaw sa himpapawid. 5 taon rin ang nakalipas.... mula ng umalis ako ng bayang sinilangan, At heto nga. Ilang oras na lang ay maaamoy kong muli ang simoy ng hangin sa Pinas! At last makakauwi na rin ako! Yahooo!!!!!!! Lecheng stewardess to!!! Kanina ko pa sinusutsutan at kinakawayan hindi ako iniintindi... Dahil ba sa isa akong Asyano? Bwiset kang mahadera kah! Lumapit ka dito at mabubulunan na ako! Sasapakin ko na sana yung puting katabi ko na sarap na sarap sa pag-sipsip sa juice na kakaabot lang sa kanya ng mahaderang stewardess. Ng sa wakas ay napansin din nya ako. "Can I have an Apple Juice Please?" At leche talaga, ni walang ngiti sa mga labing inabutan ako ng basong halos kalahati lang ang laman... Ni wala pang yelo. Puta talaga to oh! tsk! tsk! Kapag mga lalakeng puti sige lang! Halos ipangalandakan ang dibdib nyang hindi naman kalakihan. Ano ba tong mga Pilipina na to?! Kaya sumasama tingin sa mga Pinoy eh. Waaaaah! Sige pagtyagaan na lang kesa naman mabulunan.... Hahaha! Nakatanaw sa bintana ng eroplano...ngunit wala naman akong matanaw kundi kawalan. Ulap na may kaitiman at ewan ko baka may anghel na lumilipad... hehehe! Nakikinig sa saliw ng tugtugin sa iphone kong halos di ko naman maintindihan ang mga kanta. Basta tumutugtog lang sya! Ok na yun. Kesa ingay ng nag-uusap sa likod ko ang marinig ko. Ng may kung anong kirot sa dibdib akong naramdaman... Mami-miss ko rin pala ang mga kaibigan kong naiwan ko sa Greece.... Ilang taon ko rin silang kasama... Sa hirap at ginahawa, kahit minsan sa gabing walang mai-ulam... Dadalaw lang ang isa ok na kami. Hati-hati sa mapagsasaluhan. Noon yun, nung bago pa lang ako sa Greece. Sobrang hirap nung bago pa lang! Wala naman akong alam sa salita nilang Greek, ang alam ko lang ung mga nababasa ko sa libro about Greek GODS, na ang gaganda ng katawan at mukha... Pero kapag nandun ka na pala, iba pala talaga... Medyo matatapang ang mga mukha nila.. Pero ang gusto ko lang sa kanila, isang BAYANG MALAYA! Magagawa mo ang lahat, walang magbabawal, walang estado sa buhay, walang kasarian, walang pinagmulan... Malaya... Ngunit syempre, asyano pa rin ako... Kaya hindi pa rin ganun kapantay ang tingin sa amin... Silang lang ang pantay... Tse! hehehe! Andyan ung sisingitan ka sa pila kasi alam na hindi ka magrereklamo... Kasi di ko rin naman maintindihan sinasabi nila...Eh bwiset pala sila eh, gusto ko bang mag-tren?! Sanay naman ako sa MRT ng pinas na siksikan, dito kailangang pumila kasi laging sinasabi. (είναι δίκαιη!) Na ang ibig sabihin ay BE FAIR TO EVERYONE! At sobrang lamig rin dito kapag winter... Sobrang miss na miss ko ang mga mahal ko sa buhay, kahit bihira nila ako maalala... Nandyan din yung halos magyelo ang puso ko kasi paskong-pasko pero wala akong kasama sa apartment ko... Buti na lang, magriring ang phone ko, tatawag si MITCH at yayayain akong sumama sa flat nya, nandun na daw ang ibang barkada at pagsasaluhan namin ang isang paskong malamig..Magsasaya kahit malulungkot ang mga mata... Role playing at costume na umaatikabo na naman itong paskong to sigurado... Sana ay mapainit namin ang gabi.. .Hahaha! May mga boys kayang kasama? :-) Ganito palagi kapag mga okasyon, sobrang nangungulila ako sa pamilya ko.. Sa tatay ko, sa nanay ko na kahit madalas kong nakakatalo ay super mahal ko, kuya ko at kapatid kong bunso, at syempre ang mga pamangkin ko... Haay.... Ang hirap talaga! Lalabas ako sa pintuan na ibang kulay ng mga tao ang nakikita ko... Mag-bleach kaya ako para pumuti rin??? Wahahaha! Pero habang tumatagal, nasasanay na rin sa buhay doon. Parang pamilya ang turingan sa isa't-isa. Kahit malungkot ako...gumagaan ang kalooban ko dahil alam kong nandyan yung mga tunay nakaibigan na hindi ako huhusgahan...May pera man ako oh wala. Swerte ko rin talaga...Sobrang babait nila! Dahil malayo sa pamilya, bawat halakhak kasama ang mga kaibigan, nakakapagpagaan sa kalooban. Bihira rin ako makatanggap ng text msg noon mula sa Pilipinas, kapag narinig ko na tumunog ang roaming cellphone ko... Ito lang ang mga nararamdaman ko KABA at INIS. Kaba kasi baka may kung anong nangyari sa kanila, at inis na rin dahil alam ko na naman ang mababasa ko sa text. "Anak, kailangan na nating magbayad sa tubig, upa, hospital at meralco." Lecheng Meralco yan! sabi nila MAY LIWANAG ANG BUHAY bakit nagdidilim ang paningin ko twing nakakabasa akong ganito! Haay........ Isa lang ibig sabihin nito... Isang buwang sweldo ko na naman ang titipirin ko para lang matustusan ang mga kailangan ipadala sa pinas... Di ko nga alam sa mga kababata ko noon, magmemensahe sakin sa facebook, para lang umutang at sabihing WOW! ANG YAMAN MO NA AH! Mga bwiset! Ibala ko kaya kayo sa kanyon at pasabugin isa-isa ng matauhan kayong ang mga OFW ay hindi Bangko!!!!!!! Dyosa lang... Wahahaha!
Nanatili sa aking isipin ang mga ganitong bagay ng unti-unti nasusuka na ako... Iyon pala ay palapag na ang eroplano kaya naman naramdaman ko na ang hilo. Huhuhu! Ito na ako mahal kong PILIPINAS! Wow! ang daming tao sa airport... May mga banners pa yung iba. Tila nag-iba ang ichura ng mga mahal nila sa tagal ng pagkakawalay at pangalan na lang ang makapapagpakilala... Hahaha! tong mga to parang mga sira oh!
Hanggang matanaw ko sa may di kalayuan ang mga nanay, walang sali-salitang niyakap ko sila... Iyak at hagulgol ang katumbas ng ilang taong pagkakawalay... Huhuhu! Pati sipon ko tumulo na rin... Sobrang miss ko kayo! Andito na ako... hindi na ako aalis ulit, magsasama-sama na tayo... Kumpleto...
Isang umaga, nabulabog ako sa sigaw ng nanay sa baba... "Steve!!!! Gisingin mo nga ang ate Sheena mo! Andito ung naniningil na bumbay, ipapasara na daw ang tindahan pag hindi tayo nagbayad!" Ito ang alarm clock na gumising sakin. Sasagot naman ako ng "Nay, wala po akong ipon, hindi po ba ipinapadala ko lahat ng sweldo ko sa inyo... Wala po ba kayong naitabi sa account ko? Sabi ko po hulugan nyo yun eh" Matatapos ang eksena na ibibigay ko ang iphone ko kapalit ng katahimikan namin mula sa bumbay na yun! Bwiset kang curry kah! Umalis ka na dito at baka lutuin kita!
Haay.......hapunan, makikita akong magbubukas ng fridge, Huh?! Bakit walang laman? eh diba kakapadala ko lang dalawang linggo bago ako umuwi? Hindi man lang sila nakapaggrocery alam naman nilang uuwi na ako eh. Bibili na lang ako ng itlog at tinging mantika sa kabilang tindahan, dahil wala na rin laman ang tindahan namin... Ganito ba ang uuwian ko pagkatapos ng ilang panahong pag-iisa sa abroad??? Masaya naman sana, kaso sobrang kapos.... Sasakay ako ng jeep papunta sa may Blumentritt, may opening daw ng trabaho doon, magbabakasakali ako para naman maging maginhawa ulit ang buhay namin basta magkakasama kami... Pero sa kasamaang palad, naluha ako sa nalaman kong Managerial Position ang inaaplayan ko pero ang sweldo eh kakarampot lang na sweldo lang ng cleaner namin noon sa Opisina ko sa Athens. Walangya! Ganito na ba talaga kababa swelduhan sa pinas? Eh ni manok hindi ko mapapakain dito eh! Mabuti na lang wala pa akong asawa't mga anak kung hindi, magugutom sila....
Hila ang maleta, mabigat ang mga paa kong naglalakad palapit sa OFW Lounge ng NAIA. May opening kasing trabaho sa Greece, sa Rhodes naman... Ibang city pero pwede na rin .Kumita lang ako ng maayos.
Nakikita ko ang mga baguhang OFWs na nagiiyakan sa may likod ko. Parang ayaw magbitiw lalo na ng mga mag-asawang baliw.... Mga Leche!!! Kapag nagutom ang pamilya nyo kayo mismo ang magmamaneho ng eroplano makaalis lang ng Pinas.... Kaya sa mga hindi nakakaintindi kung bakit kami umaalis ng bansa, at sasabihing hindi kami makabayan... Basahin nyo ulit itong blog ko... At baka kayo ang i-blog ko sa pader!
Wahahaha!
Peace out! Ayan Sheena, naikwento ko na ung kwento mo... Sa susunod dugtungan natin hah? Matutulog na muna ako at itong mga eyebags ko ay nagmamaganda na naman... Good night Papua New Guinea. Waaah! OFW din pala ako, kaya pala habang sinusulat ko ito eh may kung anong naramdaman sa loob. Dibale antok lang siguro...