Powered By Blogger

Friday, 5 August 2011

PAGMULAT



"Salamat sayo...sa bawat gising ko sa umaga, ikaw ang bumubukas ng liwayway sa bawat gising ko... Thanks my ALARM CLOCK!" Hahaha!
Nagising akong medyo mabigat ang pakiramdam... Maysakit kasi ang asawa ko at masama ang ubo.... Hindi tuloy ako halos nakatulog ng maayos kagabi.... Hindi ako mapakali pag ganitong nagkakasakit sya.. Bawat pihit nya sa kama, magigising ako ng puno ng pag-aalala...Sana ako na lang nagkasakit, kesa sya ang nagdadala ng hirap ng ubong madikit sa dibdib...na di ko alam kung inlove sa kanya, kasi ilang araw na syang ayaw tantanan.... :-) Ganun naman kami, ganun din sya sa akin... Twing ako'y nagdaramdam, sya ang unang nakakaramdam nun, sya ag unang nakakaunawa at sya ang nagpapagaan... Swerte talaga ako! Salamat sa Diyos at pinagkaloob sya sa akin. Pero hindi lahat ng babae sa mundo ay nabiyayaan ng pareho ng sa akin...


Itago natin sya sa pangalang MARIA. Maganda si Maria, maamo ang maliit na mukha... Medyo makapal ang labi...na sabi nila ay asset nya, parang si Angelina Jolie, may isang kilong nguso... Hehehe! Makapal ang pilik at laging nakangiti sa sinumang makasalamuha nya... Kaklase ko sya sa high school. Talagang ganun kami kadikit! Parang bubble gum ako at sya ang swelas ng sapatos. Hindi mapaghiwalay... (mas cute yata pakinggan ang bubble gum kesa sa swelas hahaha). Lahat ng gimik, magkasama kami, sa mga exams, sabay laging mag-aral, sabay kumain...Alam nya ang sikreto ko at alam ko ang sikreto nya... Marami kaming pangarap! Na nais naming mabuo sa pagdaan ng mga panahon... Makatapos ng pag-aaral, makapagtrabaho sa magandang opisina... Pangarap nyang maging doktora. Bagay naman sa kanya kasi maganda sya at maamo...siguradong gagaling ang sinumang maysakit na pasyenteng magbabalak humingi ng payo sa kanya. Masayahin si Maria, bunso sa magkakapatid kaya malambing... At masasabi kong matapat na kaibigan. Matalino rin sya ang punung-puno ng pag-asa...

Nakatapos kami ng hyskul at nagbalak na pumasok sa iisang eskwelahan sa kolehiyo... Ako sa kursong Business Management, ngunit sya... hindi nya naituloy pumasok sa parehong university ko.. Gusto nya kasing ituloy ang medical course nya, di ko naman sya mapigilan kasi pangarap nya talaga yun...Pero NURSING lang ang kinuha nya... preparatory daw sa MEDICINE. Nagkikita at nagkakausap kami madalas. Hanggang maging demanding ang course ko at ganun din sya hanggang maging bihira na kami makapag-usap.

Nabalitaan kong tumigil sya sa pag-aaral, at nagtrabaho na lang sa isang fastfood chain sa Imus,Cavite, dinadalaw ko sya dun at nakilala ko ang nobyo nya, May ichura si bagets! mabait namang kausap, pero mukhang babaero... Tsk! Maganda kasi si Maria... Ilang beses silang nag-away, lahat ng un nalaman ko kasi unlimited txt and call naman sa SUN so walang humpay na kwentuhan... Hanggang isang araw... papuntahin nya ako sa kanila, at may sasabihin syang importante. Sinama ko yung asawa ko na noon ay boyfriend ko pa lang... (same university kami at same course din). Sabi ni Maria, pasok kami sa kwarto kasi may ipapakita sya... May inilabas syang isang maliit a kahon at iniabot sakin ang isang may kaliitang bagay na kulay puti... mga 4inches ang haba at may dalawang guhit na kulay violet sa gitna. Napakunot-noo ako. "ano to?" ang sabi ko. "pregnancy test yan" "anong sabi?" muli kong tanong. "BUNTIS daw ako..." ang bulong nya...

Hindi ako nakaamang... Napuno ng blangkong papel ang bawat sulok ng brain cells ko...Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hanggang maramdaman ko ang mainit na likidong malayang dumaloy sa aking pisngi... Umiyak ako ng tagpong yun. Hindi ko alam kung bakit pero umiyak ko. Marahil naramdaman kong nabasag ang isang magandang plorera ng bulaklak na matagal na panahong yumabong at naging maganda sa paningin ng iba. Ngayun ay basag na... Nanginignig ang mga kamay nya ng abutin ko. Malamig pa sa yelo. Umiiyak din sya ng sabihing "wala akong magagawa, kaloob ito ng Diyos, at biyaya ng langit" itataguyod ko itong mag-isa... Tutulungan kita: ang mga salitang namutawi sa aking labi. 

Nagtataka ang asawa ko ng lumabas kami ng kwarto. Pareho kaming may luha pero masaya ang mga mukha. Ikinwento ko naman sa kanya ang lahat sa permiso ng kaibigan ko.
Ilang araw ang lumipas ng ibalita nya sa akin na papanagutan naman ni Pedro ang dinadala nya. Nakapanganak na si Maria at ninang ako ng magandang batang babae na naging supling nila. Ngunit sa pagsasama nilang yun... madalas syang magkwento sa akin na nambabae ang damuhong mister nya!!! Siraulo talaga! Sarap nyang balatan ng buhay at ilubog sa drum ng kalamansi hanggang mamatay! hahaha! pero wala naman akong magagawa buhay mag-asawa nila yun eh, mahirap manghimasok ...

Lumipas ang mga panahong ganun, pare-pareho ang kwento... Manager na ako nun sa isang kilalang SPORT's shop sa mga mall. Si Maria, hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.
Hanggang isang gabi, mga 7pm, isang txt ang natanggap ko mula sa isang hindi gaanong ka-close na kaibigan, "Psst, nabalitaan mo ba nangyari kay Maria?" Binalot ang kilabot ang buong pagkatao ko...pero nilalabanan ko ang kung anong sumisiksik sa isipan ko. "Bakit? ano yun" Reply ko sa txt nya... hini na sya sumagot pa. Hanggang maisipan kong tawagan ang ate nya at alamin ang nangyari... Narinig ko sa kabilang linya si Ate Lorna, "Huhuhu! Wala na sya! nagbaril sa ulo! Kinuha baril ni kuya sa bahay nila at ipinutok sa sariling sintido! Wala na sya! Wala na kapatid ko!!!"

Hindi ako makapaniwala sa nangyari... Halos walang salita ni luhang lumabas sa akin. Tulala lang ako at nahimasmasan lang ng tanungin ako ng ate ko. Halos lamunin ako ng lupa sa balitang yun! ang bestdfried ko wala na! totoo ba ito! sana magising ako sa isang masamang panaginip!!! ilang araw akong umiiyak..... hindi makausap kahit ng boyfried ko. Madalas nya akong dalawin sa panaginip at kinakausap...Nagigising na lang ako sa gabi na basa ng luha ang mga mata... Ng isang gabi mapagdesisyunan kong puntahan na sya sa burol nya.

Maraming tao, may rock band pa (lagi nya kasing sinasabi na pag namatay daw sya sana may banda), maingay at maraming taong paroon at parito. Mga kaklase noon at mga malalapit na kaibigan. Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa bahay nila ng ganun kabigat ang paa ko...wala na yata ako sa ulirat. Hanggang, makita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa pintuan nila...Ng makita ko ang larawan ng maganda nyang mukha sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kabaong! Wala na...hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nahimatay ba ako? ewan ko din. Basta alam ko lang, iyak ako ng iyak na parang mamamatay na din ako sa sama ng loob.... huhuhuhu!

Bakit kailangang mangyari ito sa kanya??? Mabait naman sya at mabuting tao... Bakit sya nanghina??? Bakit hindi nya ako kinausap bago iyon??? Bakit ganito??? Bakit ganyan??? Maraming tanong ang nasa utak ko na hanggang ngayun ay di ko pa rin masagot...kung BAKIT. Malas sya! oo! Malas! at napangasawa nya yung demonyo na yun na hanggang ngayun ay syang sinisisi ko sa pagkawala ni Maria. Hindi ko sya sinilip sa kabaong ng ilang araw.... Yung maganda larawan nya lang ang tinitingnan ko... Kahit ang puntod nya (7 yrs na nakakaraan) pero hindi ko pa rin pinupuntahan. Ayokong makita na naka-ukit ang pangalan nya sa piraso ng bato na iyon na ansarao ipukpok sa ulo ng mister nyang damuho!!!...Haay...ganyan kalupit ang pagkakataon....Wala ng magawa ang mga taong nagmamahal sa kanya...wala na eh. 

Basta ang alam ko lang... "TREAT EACH DAY AS IF IT WAS YOUR LAST".....Ipakita na sa mga taong mahal natin na mahalaga sila sa atin... Kasi hindi natin alam kung kailan sila mawawala....
IMULAT ANG MATA... SA KATOTOHANANG LAHAT TAYO MAWAWALA......Pero bago sila mawala,oh bago ikaw mawala... Iparamdam at ipakita mo na... habang may panahon pa.


Thursday, 4 August 2011

Kape-Kape




sang kakabagot na hapon....naisipang kong magsulat... oo MAGSULAT! ito ang isa sa mga hidden dreams ko...sumulat at mabasa ng marami ang mga diwang naisasalin ko sa papel, gamit ang mga daliring kong parang may sariling isip.... well, this is the start of fulfilling my dreams. pasensya na sa inyong mga babasa.... alam ko medyo magiging corny ako minsan...or madalas... pero ito ang magiging daan upang makadaupang palad natin ang isat-isa at makilala ang tunay na sa saloobin sa mga bagay-bagay...


haay.....sobrang kakaantok ngayun sa office...ito pala ang epekto ng antok!!! hahaha!

parang naririnig ko pa ung boses ng isang kaibigan ko, sa tuwing ganitong oras... sigaw yan ng KAPE-KAPE!!!

GABING MALAMIG



Hmm... Medyo malamig talaga ngayun... nararamdaman ko ang dampi ng simoy ng hangin sa aking balat... WINTER na kasi sa Australia, kaya nararamdaman namin dito sa Papua New Guinea. Tsk! manginginig na naman ako nito sa shower mamaya...

10:40PM, kitang-kita ko ang oras sa digital clock na nakadikit sa shower mirror namin. Naging ganun na ang routine ko gabi-gabi. Late ng maligo... Well, no choice naman ako kasi di ko kayang matulog ng di nakakapaligo...ang kati sa balat nun! at cguradong paggising ko sa umaga, tadtad ng pantal ang katawan ko! 

Habang dumadampi ang maligamgam na lagaslas ng tubig sa buhok ko pababa sa balikat at tuloy-tuloy sa katawan hanggang sa paa... May naalala akong isang pangyayari.

Taong 1990, Antipolo Rizal, Dulong Bayan 

Humangahos akong tumatakbo pauwi sa aming tahanan... Sobrang nananabik akong makita ang mama ko. Iyon kasi ang unang araw ko sa eskwela. Hindi ako umiyak noon, kagaya ng ibang mga bata na halos malaglag na sa upuan kakapalahaw sa takot sa teacher. Matapang ako para sa unang araw ko sa school. Masaya akong matuto at super excited kong magkaroon ng mga kaibigan. Mga 4yrs pa lang kasi ako natuturuan na ako ng ate ko magbasa at sumulat. Gayun din ang gumihit, kaya nadala ko hanggang sa pagtanda ang talentong iyon... Iyon nga lang, bihira na akong magpinta... Pero ang pagbabasa at pagsulat ay nananalaytay na sa aking dugo. Kahit gaano kasaya ang araw na iyon, meron akong hinahanap... meron kulang, NAMIMISS ko ang mama ko! super miss!!!! humahangos akong bitbit ang aking pink na bag kasama ng lunch box kong di ko na matandaan ang laman, pero cguradong masarap kasi si mama ang nagluto. Hehehe! (Buti si ako tabain!) Nakita ko ang mama ko, abala sa kusina, alas-dose y media kasi nun half-day lang ang pasok ng kindergarten. Lumiwanag ang kanyang mukha ng makita nya ako... bukas ang mga bisig at niyakap ako ng wlang hanggang init ng kanyang mga braso... sabay sabing "NAMISS KITA NAK!"... Nakita kong msaya sya habang nagkkwento ako sa mga unang karanasan ko sa eskwela, ngunit may kung ano akong naaininag sa kanyang mga mata... LUNGKOT ba itong nakikita ko? Marahil sa dahilang alam nyang nagsisimula ng lumipad ang kanyang bunso...Lilipad paakyat sa matayog na ulap ng pangarap.... Nagpatuloy ang mga eksenang iyon sa bawat araw...Bawat luhang dala ko sa twing may aaway sa akin, sya ang nagpapahid ng kanyang mga palad... sa bawat sumbong ko sa kanya sa twing napapagalitan ako ng teacher ko ay napapalitan ng ngiti at tawa. Mahal na mahal ko ang mama ko!


Hinding-hindi mawala sa isipan ko ang mga tagpong iyon... Ngayun milya-milya na ang layo ko sa kanya... Pilipinas at Papua New Guinea? Hindi birong distansya.... Subalit twing naalala ko ang kanyang mga yakap, ngiti at walang hanggang pagmamahal sa akin bilang bunso nya... Nagiging matatag ako sa mga hamon ng buhay. Minsan, naiisip ko, (gaya ngayung GABING MALAMIG) sana andito ang mama ko.... Para twing natatakot ako sa mga teacher ng buhay ko...twing may umaaway sa akin... Yayakapin lang nya ako at lahat ng iyon ay maglalaho...Sana ganun kasimple ang buhay, ganung kagaan... Pero wag kang mag-alala ma.... dahil sa pagpapalaki mo sa aming magkapatid na maayos....umasa kang magiging maayos at mabuti akong tao, pangako ko yan sayo....



Pero sa mga ganitong pagkakataon, at MALAMIG ang GABI.... gusto ko lang sabihin ma.... NAMIMISS KITA!!!!