Hmm... Medyo malamig talaga ngayun... nararamdaman ko ang dampi ng simoy ng hangin sa aking balat... WINTER na kasi sa Australia, kaya nararamdaman namin dito sa Papua New Guinea. Tsk! manginginig na naman ako nito sa shower mamaya...
10:40PM, kitang-kita ko ang oras sa digital clock na nakadikit sa shower mirror namin. Naging ganun na ang routine ko gabi-gabi. Late ng maligo... Well, no choice naman ako kasi di ko kayang matulog ng di nakakapaligo...ang kati sa balat nun! at cguradong paggising ko sa umaga, tadtad ng pantal ang katawan ko!
Habang dumadampi ang maligamgam na lagaslas ng tubig sa buhok ko pababa sa balikat at tuloy-tuloy sa katawan hanggang sa paa... May naalala akong isang pangyayari.
Taong 1990, Antipolo Rizal, Dulong Bayan
Humangahos akong tumatakbo pauwi sa aming tahanan... Sobrang nananabik akong makita ang mama ko. Iyon kasi ang unang araw ko sa eskwela. Hindi ako umiyak noon, kagaya ng ibang mga bata na halos malaglag na sa upuan kakapalahaw sa takot sa teacher. Matapang ako para sa unang araw ko sa school. Masaya akong matuto at super excited kong magkaroon ng mga kaibigan. Mga 4yrs pa lang kasi ako natuturuan na ako ng ate ko magbasa at sumulat. Gayun din ang gumihit, kaya nadala ko hanggang sa pagtanda ang talentong iyon... Iyon nga lang, bihira na akong magpinta... Pero ang pagbabasa at pagsulat ay nananalaytay na sa aking dugo. Kahit gaano kasaya ang araw na iyon, meron akong hinahanap... meron kulang, NAMIMISS ko ang mama ko! super miss!!!! humahangos akong bitbit ang aking pink na bag kasama ng lunch box kong di ko na matandaan ang laman, pero cguradong masarap kasi si mama ang nagluto. Hehehe! (Buti si ako tabain!) Nakita ko ang mama ko, abala sa kusina, alas-dose y media kasi nun half-day lang ang pasok ng kindergarten. Lumiwanag ang kanyang mukha ng makita nya ako... bukas ang mga bisig at niyakap ako ng wlang hanggang init ng kanyang mga braso... sabay sabing "NAMISS KITA NAK!"... Nakita kong msaya sya habang nagkkwento ako sa mga unang karanasan ko sa eskwela, ngunit may kung ano akong naaininag sa kanyang mga mata... LUNGKOT ba itong nakikita ko? Marahil sa dahilang alam nyang nagsisimula ng lumipad ang kanyang bunso...Lilipad paakyat sa matayog na ulap ng pangarap.... Nagpatuloy ang mga eksenang iyon sa bawat araw...Bawat luhang dala ko sa twing may aaway sa akin, sya ang nagpapahid ng kanyang mga palad... sa bawat sumbong ko sa kanya sa twing napapagalitan ako ng teacher ko ay napapalitan ng ngiti at tawa. Mahal na mahal ko ang mama ko!
Hinding-hindi mawala sa isipan ko ang mga tagpong iyon... Ngayun milya-milya na ang layo ko sa kanya... Pilipinas at Papua New Guinea? Hindi birong distansya.... Subalit twing naalala ko ang kanyang mga yakap, ngiti at walang hanggang pagmamahal sa akin bilang bunso nya... Nagiging matatag ako sa mga hamon ng buhay. Minsan, naiisip ko, (gaya ngayung GABING MALAMIG) sana andito ang mama ko.... Para twing natatakot ako sa mga teacher ng buhay ko...twing may umaaway sa akin... Yayakapin lang nya ako at lahat ng iyon ay maglalaho...Sana ganun kasimple ang buhay, ganung kagaan... Pero wag kang mag-alala ma.... dahil sa pagpapalaki mo sa aming magkapatid na maayos....umasa kang magiging maayos at mabuti akong tao, pangako ko yan sayo....
Pero sa mga ganitong pagkakataon, at MALAMIG ang GABI.... gusto ko lang sabihin ma.... NAMIMISS KITA!!!!
No comments:
Post a Comment