Powered By Blogger

Sunday, 30 December 2012

Farewell and Thank you 2012! ♥♥♥


Before I bid goodbye to my YEAR, I should say that 2012 was a bumpy, but indeed a joyful ride!

It started too-well like a roller coaster trip!… 
Has been too sluggish when it tried to thrive, slows down a bit when at the top, then miraculously boost to that “Nirvana Stadium” of my life. 

 I have been cheerful, contented, overwhelmed, sometimes crazy, most of the time slothful, hahaha! 

Been touched, ignored, has bumped into my most unkabogable mood, cried like the rain pouring freely when gets hurt (I’ve been hurt a lotta times), Smiled…(Also a lot, I mean…A LOT!) and FELL IN LOVE! for the first time and the last time….(♫ Tan-tan-ta-nan ♫)  

I’ve known people whom I will never forget, and some I will. …definitely, turned-off!….Some made my year fruitful, some made it  disappointing.

But, no regrets at all!… Every step of the way, every leap of the stairs, and every run (which most I had wounds because of falling many times) will never be a lament for me!..  Its been a wonderful year that was….. I FELL; I STOOD UP, I FORGIVE, I GAVE AWAY, I PRAY AND I LOVE!

And I would like to thank all the conscientious people who made my 2012, unforgettable. Kilala nyo na kung sino-sino kayo… A great cheer for all the immense people in my Life! Looking forward for more and more years! Love you all!
                                                         

Tuesday, 18 December 2012

CALIFORNIA KING BED


Huuuu……….Huuum……… Pagmulat ng mata langit nakatawa  ♫ 

Ay Batibot theme pala yun. 

Ibahin ko.... "THE MOMENT I WAKE UP" ♫

Hehehe! Ang lamig naman ngayung umaga…. Pero ok lang, masayang gumising sa umaga kapag may dahilan ang bawat gising mo… Yiiiihiiiiiiiiiiiiiiii! In love na naman ako ah! Twing umaga na lang. Dum-di-dum-di-dum…. Pakanta-kanta kong sabi habang naliligo sa shower na medyo may kalamigan rin ang tubig! Pero kahit yata yelo pa itong ipaligo ko, iinit dahil sa pagmamahal ko… Wahahaha!
Sabi nila kapag umiibig daw ang isang tao, nababaliw! Ummm…. Maaring tama nga! Paano ba naman, katatapos lang ako pagalitan ng bwiset kong Boss, pero sige lang smile pa rin… Hehehehe! Wala akong magagawa, mas nakikita ko yung mukha NYA na nakangiti kesa sa ilong ng Boss kong kasya yata itong keyboard ko kapag ipinasak ko sa sobrang asar sa bunganga nya!
Ring! Ring! Ring! Walang humpay ang telepono, ayan na naman iilang kliyente na naman ang siguradong sisigaw dahil hindi naideliver on time ang mga orders nila! Aba! Kasalanan ko ba may  bagyo ngaun sa Luzon at ultimo yata anghel sa langit matatakot lumipad sa sobrang lakas ng hangin. Pasensya sila! Ganun talaga… Forces of Nature eh… Parang LOVE…. Di mapipigilan… Force of Nature! Yun oh! Siningit na naman ang LOVE…. Hehehe! At Inulit pa…
Hahaha! Sige na nga…. Smile na rin sa phone kahit minumura na ako nitong bumbay na to! Leche! Akala nya ba sila lang nangangailangan? Kailangan ko rin yang kikitain dyan noh! Pero gayun pa man, ok lang rin. Mamaya tatawag si crush, mawawala lahat ng asar…. Ang tagal naman! Haaaay………. Makakain na nga lang.

Huh??!!! Wala na naming natirang ulam sa Canteen? Bwiset talagang kainan dito sa opisina! Sana binibilang nila kung ilan empleyado nila at nagluluto ng sapat para sa lahat…. Paano ba yan? Tinapay na naman ang kakainin ko buti na lang may kasamang orange juice. Kahit papano nakakawala ng asar! ???
Nasa kalagitnaan na ako ng precious bread ko na sobrang tigas na, sana naman Manang ilalagay sa container diba? Para di naman ganitong katigas! Sarap ng ibato sa katapat na table ko eh! (Inggit sa sarap ng kinakain nya~~hahaha!) TUT! TUT! Uyyyy! May nag-text, si Crush na naman pala… “HELLO,ANONG LUNCH MO?” Laglag naman ako sa upuan, ang sarap naman ng tinapay na to… Ito na yata ang pinakamasarap na tinapay na natikman ko sa buong-buhay ko…. Hehehe!

Uwian na, at as usual, wala na naming bus pa-Norte, at syempre, napahaba ng pila sa MRT na akala mo si Manny Pacquiao ang nagbebenta ng ticket kaya ganyan kahaba ang pila, autograph siging ni Pacman! Hahaha! Akalain mong nakakatawa pa rin pala ako… Naalala ko na naman kasi si crush, siguro maayos na syang nakauwi sa kanila. Buti naman, ok lang ako basta ok sya… Yiiihiiiii!!!!! Maghapong kinilig, parang tanga lang!
Eto na naman ako sa kama kong napakalamig, IN MY CALIFORNIA KING BED! Hahaha! Actually, single bed lang, kaso walang katabi kaya eto, feeling ko ang laki ng kama… Wide spread na nga ang mga hita, ang luwag pa rin, kelan ko kaya makakatabi matulog si crush??? Nampucha! Naks naman talaga! Hanggang sa pagtulog? Istorbo kah! Hahaha! Dibale, I’ll think of you na lang before I sleep para paggising ko, ikaw ulit…. Parang CHRISTMAS BONUS lang sa opisina, “Hindi mapapasakin, pero napapangiti ako kapag naiisip ko!”
Baliw nga daw bang magmahal??? Sa tingin ko… Medyo…. Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!             

~~Anonymous (Sino ba tong si Anonymous? Kelan kaya magkakaapelyido?) zzzzz…………


Coffee Cup from DAD


(DEDICATED TO MY ONE GREAT FATHER UP ABOVE, WHO NEVER FAIL TO COMFORT ME. THANK YOU LORD FOR ALL THE BLESSINGS!)


It was such a calm, fine morning.... 

I look out my window seeing the same sun rays that always greet me sa tuwing umaga. 
"Good morning Sunshine! Rise and Fight!" But there's a sudden kirot sa dibdib, malapit na nga pala ang pasko. Haaay..... Magpapasko na naman pala ako sa Banyagang Bansa. I went out of bed, got my morning towel wrapped around my neck, Bbbbrrrrrrrrr! Lamig! Lakad papuntang kusina na parang wala sa sarili, antok na naman because of waiting for the late News on Local TV....Iba kasi ang time zone dito sa Poland. SIGH! Rinig kong nagmula sa akin, as I pour a steaming hot coffee like I always did. Hmmmmm…. Dudungaw sa bintang mga banyaga rin ang makikita, some are rushing for work. Some are just walking freely, chatting. Kelan kaya ako ulit makakakita ng mga batang naglalaro sa labas, nagtatawanan at nagsisigawan ng TAYA!

Maliliit pa kami noon sa Batangas, I lived in a humble home with 6 members of the Family. I was the youngest and they say the Daddy’s Girl. Syempre! Ako yata ang bunso sa 4 na magkakapatid, I have 3 older brothers na may kanya-kanya nang pamilya ngayon We didn’t get much time to talk this time, twing pasko at birthday na lang yata.

Tahimik ang Tatay ko. Bihirang magsalita, Tikom ang bibig at palaging matatas sa mga bibitiwang bilin at pagalit sa aming magkakapatid. I used to cry whenever I saw those big black eyes kapag pinapagalitan na kaming lahat. Kapag kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Lahat makakatikim ng parusa, lahat makakatikim ng palo. Pero hindi malupit ang Tatay ko. Mapagmahal sya at matuwid na tao. Hindi namin naririnig na nag-aaway sila ng Inay at ni minsan ay wala kaming narinig na kaaway nya.  Madasalin sya at may takot sa Diyos. I remember always hearing him shouting and knocking on each of our doors during the night.

“Don’t forget to pray!” Sabay-sabay naman sasagot, “Opo Tay!” Hagikgik ang kasunod pero magdadasal kaming sabay-sabay. Lumaki kaming puspos ng pagmamahal, at pangaral ni Tatay. Hindi sya nakakalimot sa kaarawan ng bawat isa sa amin. Lagi akong may uwing laruan at kendi pagka-galing nya sa trabaho. Nagmana ako sa kanya! Mahilig sa kape! Kapag malungkot, kapag masaya, problemado, nag-aalala. Walang ibang hahawakan kundi ang rosary at tasa ng mainit na kape sa kabilang kamay.

Nagta-trabaho ang Tatay ko sa isang Bangko sa Syudad naming hindi kalakihan sa Batangas. Nobyembre noon, medyo marami nang tao sa daan. Abala sa kanya-kanyang CHRISTMAS RUSH kumbaga…. Hindi magkamayaw sa pakikipagtawaran ang mga tao sa palengkeng dadaaanan ni Tatay bago makarating sa aming bahay. Ilang kilometro lamang naman ang layo, and he always walk himself home pagkagaling sa opisina. Routine na nya kasi yun, exercise nya daw sa gabi. Hehehe! Tatay talaga baliktad! Parang yung kape nya kapag tinitimpla, nauuna ang tubig bago asukal, kape at creamer.

Nang gabing yun, kasabay nya si Ninong Mario pauwi, kasamahan sya sa bangko na Ninong ko sa binyang, kumpil at baka pati sa magiging kasal ko, ninong ko na rin. Pagdating nila sa kanto, na medyo madilim, isang lalaking ang dagling hinablot si Tatay sa braso. Pilit inaagaw ang supot na dala nya mula sa Christmas Sale sa palengke. That was the most dreadful day ever ng buhay ko! We just got the story from Ninong that Tatay was refusing to give-out that small plastic he was holding. The culprit stabbed him. That was 1993 and I was just 9years old when he passed away. I couldn’t understand why people were too bad and will steal somebody else’s happiness. That night my dad’s happiness was captured on that small plastic he was holding. Then Ninong Mario hand it over to me, masyado daw matapang si Tatay at nagawa pang ibato sa lugar nya yung supot para lang maiuwi sa bahay bago sya panawan ng buhay. And to my dismay and excitement at the same time, I opened that a bit bloody small box and daw this small COFFEE CUP inside… with a cute little girl’s picture holding his dad’s hand. It was me and Tatay sa picture ng Coffee Cup na yun. I might be 3 or 4 years old. When I first had a taste of that home made coffee he used to grow sa maliit na taniman namin. At my early age, tears freely rolled down my cheeks, no sound just tears… Tears from my broken heart. tears because of hatred and tears because of my loss. Wala na si Tatay! He left me with this small coffee cup that supposes to be his birthday gift for me para sa Pasko.

And here I am, staring at my window, malayo ang tingin, naalala ko na naman ang papalapit na pasko, pagkawala ni Tatay at kasabay ng kaarawan ko. Tears rolled freely again, but not because of hurt and fear, but because I remembered him and that small note on the coffee cup box na bigay nya.


“Think of me with every sip. Katulad ng kape, I will always be with you, from the morning you wake up, till the moment you close your eyes at night. Whatever you will go through, Be strong, be squashy and be calm, andito si Tatay”

"If you really Love me, why would you hurt me?"


Did you ever want somebody to love you so bad that you would take almost anything they threw at you? I mean so bad that you would ignore your instincts that were screaming you are being used; this person is going to hurt you; this person is going to break your heart, because you are in their life and they in yours and you feel that you have enough love for the both of you until another person shows you that you’re on the other side of the road.

At first it is easy to make yourself believe that the other person loves you and wants the same thing as you because you want it so bad and so when it does not you keep blaming yourself and adding nice things into the pot along with the love that should have been enough, hoping with everything that you are that the other person just needs a little time and some extra nice treatment and that all will be as it should be between you.
As time passes and the other person does not change in fact they get worse and even more demanding and you are slowly beginning to understand that it is not you exactly that they want, but what they think that they are entitled too and the relationship with you makes that possible. It is not an easy pill to swallow that somebody you love does not love you, but it is not enough to turn away and you know you couldn’t if you tried as long as there was the smallest morsel of hope that things could change and so it was with me and that being.
There were times when the line was hard to see and I do not think that either of us could tell the difference between the lies and the truth of the matter, what was real and what was not. I because I did not want to and the other because they were so used to pretending, that it had to feel real.  Lies are hard to maintain though because no one can go without making a mistake forever and sooner or later the truth will shine through the lie no matter how much you do not want to heat, or see it and no matter who wants it to remain hidden and for what end.
You can not buy, or sweeten the pot with enough nice things to buy love, because you learn as I did that if you are expected to pay for love than it is just not real and you are merely renting a dream. The tension  started to ease its way into the relationship as I ran out of other things to offer besides my unreturned love and grew steadily with every unanswered demand for more from the unsatisfied party. Finally there was no more money, no more chores that I could do and the other’s mood became distant at first, resentful next and then finally angry.  This person’s rage woke me up from the dream and my eyes were suddenly opened and it was like seeing myself and them for the first time.

There was no more dream of love, respect eventually to come; all that was left was a hollw, lonely feeling and a sense of great loss.  I had fought the fight and lost and now the person I still loved despite everything, was threatening to remove all other rivals that might be responsible for my not having anything but love for them, which just was not enough and certainly not what they thought was owed to them, or what they were entitled to.  Unfortunately this person was about to cross an imaginary line, a dangerous line, one that I could not allow. They were not threatening violence, but they had decided that the price for their love was to be the exclusion of anyone else’s love for me or mine for them and in all things their wants and their needs must come first.
I could not do that and I would not do that and so things got worse and not better and the call for it more and the part of me that I gave to others became almost never-ending.  The resentment of me and everything else that I loved more plain and a lot easier to see with each passing day and the feeling of having to do something hung over me like a  dark cloud.  As tensions built it was clear that something had to be done to protect all those that I loved, because the by any means necessary attitude that this person was employing had become unstable and I was no longer the primary target. 

I was accused of many things and at the end of the conversation that of late have been reduced to hostile text messages and e-mails, I knew now that this person who was lost to me once, came back into my life very fuming, was going to have become lost to me again, and the need of this person to try to get back what is impossible once it has passed and that is time.
Yes it is never easy to suffer with a living loss, specially if its someone whom you offered your whole life to. It has been a few weeks now with no word and a sense of great loss aches in me, but a sense of calm has settled in that frightens me a little, but what I felt had to be done is done.  As Christmas approaches and I begin the process of transforming my house for the holidays, I hope for the phone call, the e-mail, or the text message of apology and sadly know that it will not come, because there is something broken, on both of us that I do not know how to fix and that person does not even feel that is broke, or in need of fixing.  Christmas will indeed be different without the presence of this particular one, but the loss was killing me deeply.
I will never stop loving, or caring and worrying. And I am sure that if ever all of those will come back again and so we go into exile together oddly enough, the two of us, still a pain in each other’s side and an itch that we just cannot scratch. If you really Love me, why would you hurt me?

Tuesday, 4 September 2012

TSINELAS

FROM A MAN'S POINT OF VIEW:

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga."Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun.

"Ang mga babae, masyadong sentimental."Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakakainis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong iaasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday".

"Ang mga babae, emosyonal."They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang natin lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya.

Women are probably the greatest gift to men from God, besides beer and sizzling sisig. At para skin, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. E sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig.

And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpauto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulit ng katulad niya na magtya-tyaga sayo.

Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwi sa nag-iisang tsinelas ng buhay.


~~ May Anne Penuliar...:-) 

Tuesday, 24 April 2012

OFW TSK!

(Masakit ang mata, halos maluha sa labo ng paningin habang nakatitig sa laptop kong kanina ko pa kinakausap....Nabasag kasi yung salamin ko ng minsang mag-inuman kami ng mga barkada ko. Tsk! Hirap ng walang salamin...Alas-tres na ng madaling-araw, tulog na ang asawa ko at halos maghilik pa sa sarap ng pagkakahimbing.. Hahaha! Natulog na naman 'to ng busog. Kailangan kong bantayan baka mahirapan na namang huminga...Hanggang maalala ko ang kwento ng isang malapit na kaibigang itatago natin sa pangalang SHEENA) Hehehe! Sana maitago ko nga.... :-P


Malayo ang tingin..... Tulala habang kumakain sa eroplanong di ko alam kung ilang oras ko ng kaulayaw sa himpapawid. 5 taon rin ang nakalipas.... mula ng umalis ako ng bayang sinilangan, At  heto nga. Ilang oras na lang ay maaamoy kong muli ang simoy ng hangin sa Pinas! At last makakauwi na rin ako! Yahooo!!!!!!! Lecheng stewardess to!!! Kanina ko pa sinusutsutan at kinakawayan hindi ako iniintindi... Dahil ba sa isa akong Asyano? Bwiset kang mahadera kah! Lumapit ka dito at mabubulunan na ako! Sasapakin ko na sana yung puting katabi ko na sarap na sarap sa pag-sipsip sa juice na kakaabot lang sa kanya ng mahaderang stewardess. Ng sa wakas ay napansin din nya ako. "Can I have an Apple Juice Please?" At leche talaga, ni walang ngiti sa mga labing inabutan ako ng basong halos kalahati lang ang laman... Ni wala pang yelo. Puta talaga to oh! tsk! tsk! Kapag mga lalakeng puti sige lang! Halos ipangalandakan ang dibdib nyang hindi naman kalakihan. Ano ba tong mga Pilipina na to?! Kaya sumasama tingin sa mga Pinoy eh. Waaaaah! Sige pagtyagaan na lang kesa naman mabulunan.... Hahaha! Nakatanaw sa bintana ng eroplano...ngunit wala naman akong matanaw kundi kawalan. Ulap na may kaitiman at ewan ko baka may anghel na lumilipad... hehehe! Nakikinig sa saliw ng tugtugin sa iphone kong halos di ko naman maintindihan ang mga kanta. Basta tumutugtog lang sya! Ok na yun. Kesa ingay ng nag-uusap sa likod ko ang marinig ko. Ng may kung anong kirot sa dibdib akong naramdaman... Mami-miss ko rin pala ang mga kaibigan kong naiwan ko sa Greece.... Ilang taon ko rin silang kasama... Sa hirap at ginahawa, kahit minsan sa gabing walang mai-ulam... Dadalaw lang ang isa ok na kami. Hati-hati sa mapagsasaluhan. Noon yun, nung bago pa lang ako sa Greece. Sobrang hirap nung bago pa lang! Wala naman akong alam sa salita nilang Greek, ang alam ko lang ung mga nababasa ko sa libro about Greek GODS, na ang gaganda ng katawan at mukha... Pero kapag nandun ka na pala, iba pala talaga... Medyo matatapang ang mga mukha nila.. Pero ang gusto ko lang sa kanila, isang BAYANG MALAYA! Magagawa mo ang lahat, walang magbabawal, walang estado sa buhay, walang kasarian, walang pinagmulan... Malaya... Ngunit syempre, asyano pa rin ako... Kaya hindi pa rin ganun kapantay ang tingin sa amin... Silang lang ang pantay... Tse! hehehe! Andyan ung sisingitan ka sa pila kasi alam na hindi ka magrereklamo... Kasi di ko rin naman maintindihan sinasabi nila...Eh bwiset pala sila eh, gusto ko bang mag-tren?! Sanay naman ako sa MRT ng pinas na siksikan, dito kailangang pumila kasi laging sinasabi. (είναι δίκαιη!) Na ang ibig sabihin ay BE FAIR TO EVERYONE! At sobrang lamig rin dito kapag winter... Sobrang miss na miss ko ang mga mahal ko sa buhay, kahit bihira nila ako maalala... Nandyan din yung halos magyelo ang puso ko kasi paskong-pasko pero wala akong kasama sa apartment ko... Buti na lang, magriring ang phone ko, tatawag si MITCH at yayayain akong sumama sa flat nya, nandun na daw ang ibang barkada at pagsasaluhan namin ang isang paskong malamig..Magsasaya kahit malulungkot ang mga mata... Role playing at costume na umaatikabo na naman itong paskong to sigurado... Sana ay mapainit namin ang gabi.. .Hahaha! May mga boys kayang kasama? :-) Ganito palagi kapag mga okasyon, sobrang nangungulila ako sa pamilya ko.. Sa tatay ko, sa nanay ko na kahit madalas kong nakakatalo ay super mahal ko, kuya ko at kapatid kong bunso, at syempre ang mga pamangkin ko... Haay.... Ang hirap talaga! Lalabas ako sa pintuan na ibang kulay ng mga tao ang nakikita ko... Mag-bleach kaya ako para pumuti rin??? Wahahaha! Pero habang tumatagal, nasasanay na rin sa buhay doon. Parang pamilya ang turingan sa isa't-isa. Kahit malungkot ako...gumagaan ang kalooban ko dahil alam kong nandyan yung mga tunay nakaibigan na hindi ako huhusgahan...May pera man ako oh wala. Swerte ko rin talaga...Sobrang babait nila!  Dahil malayo sa pamilya, bawat halakhak kasama ang mga kaibigan, nakakapagpagaan sa kalooban. Bihira rin ako makatanggap ng text msg noon mula sa Pilipinas, kapag narinig ko na tumunog ang roaming cellphone ko... Ito lang ang mga nararamdaman ko KABA at INIS. Kaba kasi baka may kung anong nangyari sa kanila, at inis na rin dahil alam ko na naman ang mababasa ko sa text. "Anak, kailangan na nating magbayad sa  tubig, upa, hospital at meralco." Lecheng Meralco yan! sabi nila MAY LIWANAG ANG BUHAY bakit nagdidilim ang paningin ko twing nakakabasa akong ganito! Haay........ Isa lang ibig sabihin nito... Isang buwang sweldo ko na naman ang titipirin ko para lang matustusan ang mga kailangan ipadala sa pinas... Di ko nga alam sa mga kababata ko noon, magmemensahe sakin sa facebook, para lang umutang at sabihing WOW! ANG YAMAN MO NA AH! Mga bwiset! Ibala ko kaya kayo sa kanyon at pasabugin isa-isa ng matauhan kayong ang mga OFW ay hindi Bangko!!!!!!! Dyosa lang... Wahahaha! 


Nanatili sa aking isipin ang mga ganitong bagay ng unti-unti nasusuka na ako... Iyon pala ay palapag na ang eroplano kaya naman naramdaman ko na ang hilo. Huhuhu! Ito na ako mahal kong PILIPINAS! Wow! ang daming tao sa airport... May mga banners pa yung iba. Tila nag-iba ang ichura ng mga mahal nila sa tagal ng pagkakawalay at pangalan na lang ang makapapagpakilala... Hahaha! tong mga to parang mga sira oh!


Hanggang matanaw ko sa may di kalayuan ang mga nanay, walang sali-salitang niyakap ko sila... Iyak at hagulgol ang katumbas ng ilang taong pagkakawalay... Huhuhu! Pati sipon ko tumulo na rin... Sobrang miss ko kayo! Andito na ako... hindi na ako aalis ulit, magsasama-sama na tayo... Kumpleto...


Isang umaga, nabulabog ako sa sigaw ng nanay sa baba... "Steve!!!! Gisingin mo nga ang ate Sheena mo! Andito ung naniningil na bumbay, ipapasara na daw ang tindahan pag hindi tayo nagbayad!" Ito ang alarm clock na gumising sakin. Sasagot naman ako ng "Nay, wala po akong  ipon, hindi po ba ipinapadala ko lahat ng sweldo ko sa inyo... Wala po ba kayong naitabi sa account ko? Sabi ko po hulugan nyo yun eh" Matatapos ang eksena na ibibigay ko ang iphone ko kapalit ng katahimikan namin mula sa bumbay na yun! Bwiset kang curry kah! Umalis ka na dito at baka lutuin kita!


Haay.......hapunan, makikita akong magbubukas ng fridge, Huh?! Bakit walang laman? eh diba kakapadala ko lang dalawang linggo bago ako umuwi? Hindi man lang sila nakapaggrocery alam naman nilang uuwi na ako eh. Bibili na lang ako ng itlog at tinging mantika sa kabilang tindahan, dahil wala na rin laman ang tindahan namin... Ganito ba ang uuwian ko pagkatapos ng ilang panahong pag-iisa sa abroad??? Masaya naman sana, kaso sobrang  kapos.... Sasakay ako ng jeep papunta sa may Blumentritt, may opening daw ng trabaho doon, magbabakasakali ako para naman maging maginhawa ulit ang buhay namin basta magkakasama kami... Pero sa kasamaang palad, naluha ako sa nalaman kong Managerial Position ang inaaplayan ko pero ang sweldo eh kakarampot lang na sweldo lang ng cleaner namin noon sa Opisina ko sa Athens. Walangya! Ganito na ba talaga kababa swelduhan sa pinas? Eh ni manok hindi ko mapapakain dito eh! Mabuti na lang wala pa akong asawa't mga anak kung hindi, magugutom sila.... 


Hila ang maleta, mabigat ang mga paa kong naglalakad palapit sa OFW Lounge ng NAIA. May opening kasing trabaho sa Greece, sa Rhodes naman... Ibang city pero pwede na rin .Kumita lang ako ng maayos. 
Nakikita ko ang mga baguhang OFWs na nagiiyakan sa may likod ko. Parang ayaw magbitiw lalo na ng mga mag-asawang baliw.... Mga Leche!!! Kapag nagutom ang pamilya nyo kayo mismo ang magmamaneho ng eroplano makaalis lang ng Pinas.... Kaya sa mga hindi nakakaintindi kung bakit kami umaalis ng bansa, at sasabihing hindi kami makabayan... Basahin nyo ulit itong blog ko... At baka kayo ang i-blog ko sa pader! 
Wahahaha!




Peace out! Ayan Sheena, naikwento ko na ung kwento mo... Sa susunod dugtungan natin hah? Matutulog na muna ako at itong mga eyebags ko ay nagmamaganda na naman... Good night Papua New Guinea. Waaah! OFW din pala ako, kaya pala habang sinusulat ko ito eh may kung anong naramdaman sa loob. Dibale antok lang siguro... 







Friday, 6 January 2012

BINTANA..........


"Tay, gutom na gutom na po ako!" 

Ito ang madalas na maririnig sa tahanan ng pamilya Roces sa isang maliit na barong-barong sa dulo ng Kalye Mahangin Brgy Sta Cruz, Manila.... Hiyaw na bumabasag sa pandinig ng kanilang amang si Luis. 

"Tahan na mga anak, si Itay ang bahala",

Ang malambing nyang sagot sa batang Si Nene. May kapayatan si Nene, apat na taong gulang...pang-apat sa limang anak nilang mag-asawa.. Makikita si Aling Puring sa may bintana ng barong-barong... Nakatanaw sa malayo.... War'i inaalala ang matatamis na nakaraan nila ni Luis.

Labinlimang taon na ang nakalipas.. Sa labas ng Unibersidad na pinapasukan ni Puring, makikita ang isang lalaking may tikas ang tindig,maganda ang pangangatawan...Matangos ang ilong at manipis ang labi na laging nakangiti sa sinumang babati... nakatayo sa may harap ng tindahan. Alas-dos ng hapon, may usapan sila ni Luis na susunduin sya upang mamasyal sa mall. May bagong bukas daw na shop at gusto nilang makita kung anong pinagkakaguluhan doon ng mga kabataan...

"Pssst, liliban ka na naman sa klase Puring?! Tanong ng kaklase nya... Ilang beses ka ng aabsent sa class ah! Naku! Ewan ko sayo!"

Ngunit wari'y bingi na sya sa mga sinasabi ng mga tao... Mahal nya si Luis... At kahit pa sabihing tambay lang ito at paminsan-minsa'y pumapasada ng tricycle, di nya maipagkakailang mahal nya ito!

Pak! Ang umaalingawngaw na tunog na maririnig sa bahay nina Puring, susundan ng hagulgol at palahaw ng iyak ng kanyang Ina. "Bakit anak??! Saan kami nagkulang? Binigay naman namin sayo ang lahat. Bakit nangyari ito?" Magkahawak-kamay sila ni Luis na nakaupo sa sofa ng may karangyaan nilang bahay.... Tahimik, impit na hikbi at buntong-hininga lang ang maririnig sa kanya... Umiikot ang paligid nya nun, parang babaliktad ang sikmura nya. Hanggang marinig nya ang mahinang tugon ni Luis. "Ako pong bahala sa kanya, Bubuhayin ko po sila at ang magiging anak ko".

"Gago!!!" Sigaw ng ama nyang nasa dapithapon na ang buhay, "Anong ipapakain mo sa anak ko!!! Eh ni sarili mong sigarilyo inuutang mo pa sa kanto?!"

Bubukas ang pinid ng pinto at iluluwa ang dalawang kaluluwang hindi alam kung saan tutungo.... Dalawang buwan na pala ang sinapupunan nya. "Saan tayo ngayun nito pupunta?!" Tanong nya kay Luis. "May kakilala ako sa Sta.Cruz, baka maari tayong makituloy..."

Lumipas ang mga taon... Kain, tulog, iyak, hikbi, gutom, lamig... Paulit-ulit nilang nararanasang pamilya... Magkahawak-kamay silang hinarap ang mga problema.... Kahit halos buto't balat na ang lima nilang anak.... Di sila nakakalimot sa pangako sa isa't-isa...Ang magsama habambuhay... Ngunit sa twing nakikita nya ang mga anak nyang walang makain, "GUTOM" lamang ang estado ng buhay na alam nilang maramdaman....... Gusto nyang magsisi....Gusto nyang ibalik ang lahat... Magsimula sa una, mag-plano at magsimulang muli... Gawin ang mga pangaral ng Ina at Ama nya... Ngunit huli na ang lahat.......... Huli na. Unti-unti ay humina ang mga iyak...humina ng humina ang mga sigaw...hanggang wala na syang marinig....Nakikita na lamang nya ang maaliwalas na ulap sa itaas.... Tila nangangako ng bagong bukas....

Nag-iiyakan ang limang bata...Hindi sila magkamayaw sa pait ng sikmura na nararamdaman... Waaaah......... Iyak ng maliit na sanggol na nasa duyan pang gawa sa kumot.... Darating ang asawang walang dalang SUPOT. Yun ang lagi nilang inaabangang mag-iina ang maliit na supot ng pagkain na galing sa mga pinaghingian sa Karinderyang pinagtatrabahuhan nito... Taga-linis doon ang padre de pamilya... Ngunit ilang gabi ng walang supot... Yun pala ay natanggal sa trabaho si Luis, dahil sa nahuli sya ng amo nyang babae na nagpupuslit ng ilang kilong bigas. Ngayun ay pagala-gala si Luis, naghahanap ng mapapasukang muli... Mabigat ang mga paang uuwi sa barong-barong na walang dalang supot o kahit ano...Malayo pa ay dinig na nya ang iyakan ng mga paslit... 

Natanaw nya ang misis nyang nakadungaw lamang sa bintana.... Walang kilos, walang kibo... wari'y malalim ang iniisip....

Tinakbo nya ang sanggol na nasa duyan, halos namumula at maitim na ito sa kakaiyak na yata maghapon... bitbit ang sanggol na lalapitan nya si Nene...Pilit na aamuin... Habang ang misis nya'y dahan-dahang humakbang palabas ng barong-barong... Tinawag nya ito ngunit tila hindi sya naririnig.... 

"Tay, gutom na gutom na po ako!"  Sigaw ni Nene.... 

Linggo ng umaga, sa Baclaran, Isang matandang babae ang maririnig sa sumisigaw... "MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!" 

Sa gitna ng nagkakagulong miron, matatanaw ang isang lalaking may dala-dalang bag... Kumakaripas ng takbo.... Nagnanais na dalhin sya ng hangin upang makalipad mula sa lugar na iyon.... Makalayo... Makaiwas sa mga humahabol sa kanya....

(Salamat naman.........Buti na lang at may maiuuwi ako sa mga anak ko.... Hahaha! Ilang araw ng nawawala ang nanay nila...Buti at meron akong maibibiling pagkain ngayun.)