Huuuu……….Huuum………
♫
Pagmulat ng mata langit
nakatawa ♫
Ay Batibot theme pala yun.
Ibahin ko.... "THE MOMENT I WAKE UP" ♫
Hehehe! Ang lamig naman ngayung
umaga…. Pero ok lang, masayang gumising sa umaga kapag may dahilan ang bawat
gising mo… Yiiiihiiiiiiiiiiiiiiii! In love na naman ako ah! Twing umaga na
lang. Dum-di-dum-di-dum…. Pakanta-kanta kong sabi habang naliligo sa shower na
medyo may kalamigan rin ang tubig! Pero kahit yata yelo pa itong ipaligo ko,
iinit dahil sa pagmamahal ko… Wahahaha!
Sabi nila kapag umiibig daw ang isang tao, nababaliw!
Ummm…. Maaring tama nga! Paano ba naman, katatapos lang ako pagalitan ng bwiset
kong Boss, pero sige lang smile pa rin… Hehehehe! Wala akong magagawa, mas
nakikita ko yung mukha NYA na nakangiti kesa sa ilong ng Boss kong kasya yata
itong keyboard ko kapag ipinasak ko sa sobrang asar sa bunganga nya!
Ring! Ring! Ring! Walang humpay ang telepono, ayan na
naman iilang kliyente na naman ang siguradong sisigaw dahil hindi naideliver on
time ang mga orders nila! Aba! Kasalanan ko ba may bagyo ngaun sa Luzon at ultimo yata anghel sa
langit matatakot lumipad sa sobrang lakas ng hangin. Pasensya sila! Ganun
talaga… Forces of Nature eh… Parang LOVE…. Di mapipigilan… Force of Nature! Yun
oh! Siningit na naman ang LOVE…. Hehehe! At Inulit pa…
Hahaha! Sige na nga…. Smile na rin sa phone kahit
minumura na ako nitong bumbay na to! Leche! Akala nya ba sila lang
nangangailangan? Kailangan ko rin yang kikitain dyan noh! Pero gayun pa man, ok
lang rin. Mamaya tatawag si crush, mawawala lahat ng asar…. Ang tagal naman!
Haaaay………. Makakain na nga lang.
Huh??!!! Wala na naming natirang ulam sa Canteen? Bwiset
talagang kainan dito sa opisina! Sana binibilang nila kung ilan empleyado nila
at nagluluto ng sapat para sa lahat…. Paano ba yan? Tinapay na naman ang
kakainin ko buti na lang may kasamang orange juice. Kahit papano nakakawala ng
asar! ???
Nasa kalagitnaan na ako ng precious bread ko na sobrang
tigas na, sana naman Manang ilalagay sa container diba? Para di naman ganitong
katigas! Sarap ng ibato sa katapat na table ko eh! (Inggit sa sarap ng kinakain
nya~~hahaha!) TUT! TUT! Uyyyy! May nag-text, si Crush na naman pala… “HELLO,ANONG
LUNCH MO?” Laglag naman ako sa upuan, ang sarap naman ng tinapay na to… Ito na
yata ang pinakamasarap na tinapay na natikman ko sa buong-buhay ko…. Hehehe!
Uwian na, at as usual, wala na naming bus pa-Norte, at
syempre, napahaba ng pila sa MRT na akala mo si Manny Pacquiao ang nagbebenta
ng ticket kaya ganyan kahaba ang pila, autograph siging ni Pacman! Hahaha!
Akalain mong nakakatawa pa rin pala ako… Naalala ko na naman kasi si crush,
siguro maayos na syang nakauwi sa kanila. Buti naman, ok lang ako basta ok sya…
Yiiihiiiii!!!!! Maghapong kinilig, parang tanga lang!
Eto na naman ako sa kama kong napakalamig, IN MY
CALIFORNIA KING BED! Hahaha! Actually, single bed lang, kaso walang katabi kaya
eto, feeling ko ang laki ng kama… Wide spread na nga ang mga hita, ang luwag pa
rin, kelan ko kaya makakatabi matulog si crush??? Nampucha! Naks naman talaga!
Hanggang sa pagtulog? Istorbo kah! Hahaha! Dibale, I’ll think of you na lang
before I sleep para paggising ko, ikaw ulit…. Parang CHRISTMAS BONUS lang sa
opisina, “Hindi mapapasakin, pero napapangiti ako kapag naiisip ko!”
Baliw nga daw bang
magmahal??? Sa tingin ko… Medyo…. Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
~~Anonymous (Sino ba tong si
Anonymous? Kelan kaya magkakaapelyido?) zzzzz…………
No comments:
Post a Comment