(DEDICATED TO MY ONE GREAT FATHER UP ABOVE, WHO NEVER FAIL TO COMFORT ME. THANK YOU LORD FOR ALL THE BLESSINGS!)
It was such a calm, fine morning....
I look out my window seeing the same sun rays that always
greet me sa tuwing umaga.
"Good morning Sunshine! Rise and Fight!" But
there's a sudden kirot sa dibdib, malapit na nga pala ang pasko. Haaay.....
Magpapasko na naman pala ako sa Banyagang Bansa. I went out of bed, got my
morning towel wrapped around my neck, Bbbbrrrrrrrrr! Lamig! Lakad papuntang
kusina na parang wala sa sarili, antok na naman because of waiting for the late
News on Local TV....Iba kasi ang time zone dito sa Poland. SIGH! Rinig kong
nagmula sa akin, as I pour a steaming hot coffee like I always did. Hmmmmm….
Dudungaw sa bintang mga banyaga rin ang makikita, some are rushing for work.
Some are just walking freely, chatting. Kelan kaya ako ulit makakakita ng mga
batang naglalaro sa labas, nagtatawanan at nagsisigawan ng TAYA!
Maliliit pa kami noon sa Batangas, I lived in a humble home
with 6 members of the Family. I was the youngest and they say the Daddy’s Girl.
Syempre! Ako yata ang bunso sa 4 na magkakapatid, I have 3 older brothers na
may kanya-kanya nang pamilya ngayon We didn’t get much time to talk this time,
twing pasko at birthday na lang yata.
Tahimik ang Tatay ko. Bihirang magsalita, Tikom ang bibig
at palaging matatas sa mga bibitiwang bilin at pagalit sa aming magkakapatid. I
used to cry whenever I saw those big black eyes kapag pinapagalitan na kaming
lahat. Kapag kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Lahat makakatikim ng parusa,
lahat makakatikim ng palo. Pero hindi malupit ang Tatay ko. Mapagmahal sya at
matuwid na tao. Hindi namin naririnig na nag-aaway sila ng Inay at ni minsan ay
wala kaming narinig na kaaway nya.
Madasalin sya at may takot sa Diyos. I remember always hearing him
shouting and knocking on each of our doors during the night.
“Don’t forget to pray!” Sabay-sabay naman sasagot, “Opo
Tay!” Hagikgik ang kasunod pero magdadasal kaming sabay-sabay. Lumaki kaming
puspos ng pagmamahal, at pangaral ni Tatay. Hindi sya nakakalimot sa kaarawan
ng bawat isa sa amin. Lagi akong may uwing laruan at kendi pagka-galing nya sa
trabaho. Nagmana ako sa kanya! Mahilig sa kape! Kapag malungkot, kapag masaya,
problemado, nag-aalala. Walang ibang hahawakan kundi ang rosary at tasa ng
mainit na kape sa kabilang kamay.
Nagta-trabaho ang Tatay ko sa isang Bangko sa Syudad naming
hindi kalakihan sa Batangas. Nobyembre noon, medyo marami nang tao sa daan.
Abala sa kanya-kanyang CHRISTMAS RUSH kumbaga…. Hindi magkamayaw sa
pakikipagtawaran ang mga tao sa palengkeng dadaaanan ni Tatay bago makarating
sa aming bahay. Ilang kilometro lamang naman ang layo, and he always walk
himself home pagkagaling sa opisina. Routine na nya kasi yun, exercise nya daw
sa gabi. Hehehe! Tatay talaga baliktad! Parang yung kape nya kapag tinitimpla,
nauuna ang tubig bago asukal, kape at creamer.
Nang gabing yun, kasabay nya si Ninong Mario pauwi,
kasamahan sya sa bangko na Ninong ko sa binyang, kumpil at baka pati sa magiging
kasal ko, ninong ko na rin. Pagdating nila sa kanto, na medyo madilim, isang
lalaking ang dagling hinablot si Tatay sa braso. Pilit inaagaw ang supot na
dala nya mula sa Christmas Sale sa palengke. That was the most dreadful day
ever ng buhay ko! We just got the story from Ninong that Tatay was refusing to
give-out that small plastic he was holding. The culprit stabbed him. That was
1993 and I was just 9years old when he passed away. I couldn’t understand why people
were too bad and will steal somebody else’s happiness. That night my dad’s
happiness was captured on that small plastic he was holding. Then Ninong Mario
hand it over to me, masyado daw matapang si Tatay at nagawa pang ibato sa lugar
nya yung supot para lang maiuwi sa bahay bago sya panawan ng buhay. And to my
dismay and excitement at the same time, I opened that a bit bloody small box
and daw this small COFFEE CUP inside… with a cute little girl’s picture holding
his dad’s hand. It was me and Tatay sa picture ng Coffee Cup na yun. I might be
3 or 4 years old. When I first had a taste of that home made coffee he used to
grow sa maliit na taniman namin. At my early age, tears freely rolled down my
cheeks, no sound just tears… Tears from my broken heart. tears because of
hatred and tears because of my loss. Wala na si Tatay! He left me with this
small coffee cup that supposes to be his birthday gift for me para sa Pasko.
And here I am, staring at my window, malayo ang tingin,
naalala ko na naman ang papalapit na pasko, pagkawala ni Tatay at kasabay ng
kaarawan ko. Tears rolled freely again, but not because of hurt and fear, but
because I remembered him and that small note on the coffee cup box na bigay nya.
“Think of me with every sip. Katulad ng kape, I will always
be with you, from the morning you wake up, till the moment you close your eyes
at night. Whatever you will go through, Be strong, be squashy and be calm, andito si Tatay”