Powered By Blogger

Tuesday 20 September 2011

FACEBOOK at KAMI...

Walang gaanong ginagawa sa opisina ngayun. Natapos ko na mga pending lists ko, nakatawag na din ako sa mga clients na kailangan ng shipment for this week... Napatulala ako sa harap ng monitor ko. Hmmm..... Ano kayang magagawa ngayun? Sobrang antok ko na talaga... Ayoko namang magkape kasi tumataas na ang level ng nerbyos sa katawan ko na kahit may kumalabit lang sa akin mula sa likod ay napapatalon na ako sa gulat....

Sabi nila, when your body is free... your mind is unempty. 

Nagbabalik ang mga YUN, sa twing wala akong ginagawa. Katrabaho ko si CLARK. Nasa purchasing department ako, habang sya ay Liason Officer sa aming may kalakihang pinapasukang kompanya. Malambing si Clark. Lagi akong may libreng merienda at pananghalin. Hahaha! Takaw! Oh di kaya ay libreng hapunan sa twing aabutin ako ng gabi dahil sa tambak na trabaho sa shipment. Matyaga syang maghihintay sa akin at sabay kaming uuwi. Pag nasa bahay na, aasahan ko ng tutunog ang Iphone ko, dahil may mensaheng dumating galing sa kanya...FB post kumbaga.

CLARK: Hi, Celine. Bahay na ako...ikaw?
AKO: Andito na din ako, kararating lang. 
CLARK: Matutulog ka na ba?
AKO: Hindi pa, mag-aayos pa ng gamit at damit para bukas.

Ganun sya kalambing  at kamaalaga... Kahit nasa opisina na kami, magmemessage pa din yan sa Facebook ko kahit na pader lang ang pagitan ng opisina namin.

CLARK: Anong gawa mo?
AKO: Work din gaya ng gawa mo. Hahaha!
CLARK: Kain tayo mamaya sa Greenbelt, may bagong bukas daw na resto dun.
AKO: oh cge, libre mo ako ulit.
CLARK: Syempre, ikaw pa.

Ganun lang kasimple ang aming mga usapan, na minsan ay sinasabi ng  mga kaibigan kong baduy na daw, Lalo at lalabas sa news feed ng karamihan ang personal namin usapan at lambingan. Hanggang sa sinagot ko na si Clark. Mas lalong naging makulay ang buhay at bawat araw na magkasama kami. Sabi ng iba, kapag KAYO na, mawawala na ang lambing? Pero hindi sya ganun, bahagi na yata ng buhay nya ang mag-msg or mag-post sa FB wall ko. Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng masamang balita. Nasa ospital daw si Clark, isinugod ng kuya nya dahil nahimatay habang naliligo. Halos magunaw ang mundo ko ng kausapin ako ng doctor nya..."He has CANCER of the liver, and only a few will survive in this rare kind of cancer. Hindi na sya tatagal ng isang taon" Halos sampalin ko ang DR.Remedios na yun! Gago ba sya! Sino sya para sabihing mawawala na sa akin si Clark?! Hindi ko sya pinuntahan sa ICU ng araw na yun. Umuwi ako ng bahay, nagkulong sa kwarto, ng biglang> Beep! Beep! May nag-msg sa akin, FB yun alam ko kasi iba ang toned assigned pag sa facebook.

CLARK: Hello baby, anong gawa ng baby ko? Pinapakinggan ko yung song napili natin para sa wedding SANA natin..."I DO Cherish you, for the rest of my life..."
AKO: (hindi ako makasagot sa tanong nya, alam na ba nya ang tungkol sa sakit nya?)
CLARK: Baby, bakit hindi na reply, nakikita kita. ayan oh! naka-green yung button sa FB wall mo, ONLINE KA! hehehe! Punta ka dito baby dalawin mo ako.
AKO: Cge punta ako. (matipid kong sagot)

Hindi ko kakikitaan ng kahinaan si Clark ng makita ko sya sa hospital bed nya... Mula noon, ako nagpapalit ng damit nya, ako naglilinis ng dumi at ihi nya, ako ang nagsusubo ng pagkaing ospital na walang lasa sa kanya... at kahit na nandun ako sa room nya, biglang tutunog ang iphone ko sa mga mensaheg galing sa kanya. 

CLARK: (What's on you mind) Celine, Celine, Celine is always on my mind. 
Baby, sabi ng doctor ko, malapit na finish line. Samahan mo ako hanggang maaabot ko yung race ribbon hah? Pasensya ka na pagkatapos ng karera, hindi na kita pwdeng isama sa kabilang lane. Iiwan na kitang mag-isa. Pero tapusin mo yung karera mo hah? magkikita pa rin naman tayo sa finish line mo...ako may hawak ng trophy mo...

Hindi ako makasagot sa post nyang yun. Hindi namin pinag-uusapan ang kalagayan nya pag personal kaming magkasama, lahat ng damdamin nya inilalabas nya sa Facebook. 

Hanggang ng umagang yun, dumating ako ng mga 8 ng umaga sa room nya. May dala akong almusal for him...kahit alam kong hindi ako papayagan ng mga nurses para ipakain sa kanya... Nagulat ako ng makita ko ang nanay at tatay nya sa tabi ng kama nya..Hinanap ko sya, wala sya dun, tumakbo ako sa CR, (nagbagsakan sa sahig ang mga dala kong prutas)... baka kako naihi ng wala pa ako. Hanggang makita ko ang salamin sa banyo...

"BABY, NALOWBAT YUNG CELL KO EH, HINDI NA AKO NAKAPAGPAALAM SAYO, PASENSYA KA NA HINDI KITA NA-GREET KANINANG UMAGA.... ILOVE YOU!"
Halos panawan ako ng ulirat ng mga oras na iyon...Wala na sya... WALA NA!!!!!!!!! Iniwan na nya ako...
Nagising ako na nasa kama na din ng ospital na yun, nawalan daw ako ng malay dahil sa masamang balita... Pero sabi ng doctor, nagbilin daw si CLARK sa kanya bago sya malagutan ng hininga ng buhay... "Doc, pakisabi kay Celine, ito ang password ko sa FB ko, ******** lagi syang mag-msg sa akin, kasi babasahin ko kahit nasa langit na ako".......... 

At ngayun ngang ganitong hapon na walang magawa... bubuksan ko ang FB account ko... ita-type sa SEARCH FRIEND box ang pangalang... "CLARK MERARZA". At kahit na hindi na GREEN yung button sa profile nya...magme-message pa din ako... Kahit na kulay GREY na ito...ipapaalam ko sa kanya kung gaano ko sya minahal at mamahalin kahit wala na sya..... At maiisip ko.... CLARK IS CURRENTLY OFFLINE, Leave a message on his wall..... 





Tuesday 6 September 2011

BUS...........

Haay...eto na naman tayo...Lunes na naman! Tsk! Twing lunes na lang mabigat ang katawan ko... Parang ayaw aangat ng likod ko sa kamang kapiling ko buong magdamag... Super mami-miss ko na naman ang unan ko...Un bang pag nanaginip ka na nasa isang lugar ka eh ayaw mo ng dumilat ulit...

Matapos maligo at humigop ng kapeng wala ng init kasi antagal ng nakatiwangwang sa lamesa...

Nakatayo ako sa kanto namin....Medyo masakit na ang paa ko kakatayo... Ang aga kong gigising tapos wala naman palang bus... Sayang! sana hinabaan ko na lang ang tulog ko... Natuloy sana ung panaginip kong sirena daw ako... Hahaha! "Hmpt! ang hirap naman sumakay! kanina pa ako nakatayo dito ah! wala pa ring bus!" Naibulalas ko ng medyo malakas...Napatingin tuloy sa akin ung babaeng nagtitinda ng candy at yosi... Ewwee! I'm so nakakahiya naman...hahaha! Inaaliw ko na lang sarili ko sa haba ng paghihintay. Sa wakas dumating na ang bus na super tagal kong inasam-asam.

On my office... "Lecheng mga staff to! Hindi na naman kayo naglinis ng area noh?!" Ang dudumi ng mga shelves nyo... linisin nyo yan! Sigaw ko sa mga tauhan ko... Pero eching ko lang yun, para hindi nila mahalatang late si ma'am... hehehe! Sila naman nagkumahog mag-unahan kumuha ng walis at basahan para makapaglinis muna bago magbukas ng tuluyan ang mall.

Sa lunch, ano ba yan??? Bakit Sira na naman itong micowave dito??? "Luis! sino na namang gumamit nito hindi inayos ang plug, ayan! kinagat ng daga! putol! gusto nyong putulin ko mga daliri nyo??? Anlamig na ng baon ko??? Paano ko ngayun kakainin yan??? Itapon mo yan, ibili mo ako ng jolibee sa tapat!"

"Bakit ganito ang aircon"... Anlamig naman!" Hindi kasi ako sanay sa lamig... Sinisipon agad ako pag ganun kalamig... Hahatching tapos maya-maya sipon na... 

Uwian na...Hintay na naman ng bus.... Habang naghihintay ako... nakita ko ang isang pamilyar na tanawin sa may gilid ng mall bldg. Ganun naman talaga kapag mga 11PM na, ginagawa ng tambayan ng mga pulubi ang gilid ng mall kasi nga naman may konting sinag ng ilaw at pakiramdam ng mag-anak na yun ay ligtas na silang makakatulog... Nakita ko ang isang batang lalaki na may 4 na taong gulang lamang... Payat ang katawan... Namamaluktot sa kanyang pagkakahiga... Ngunit maaninag mo sa kanyang mukha ang kakuntentuhan.... Himbing ang tulog na maya't-maya ay bumubuka ang labi na wari mo'y kinakausap ng anghel sa kanyang pagkakatulog... Bigla kong naalala ang reklamo ko kanina sa AIRCON sa store... Samantalang ako, simpleng lamig sa aircon hindi ko matagalan... Tsk! Walang kakuntentuhan....Samantalang ang batang ito, parang ninanamnam nya pa ang lamig ng sementong kanyang hinihigaan.. Napailing ako sa sarili ko... Mabuti pa ang maliit na bata marunong magkasya sa kung anong meron sya...

Lumipas ang ilang minuto wala pa ding bus... Humahaba na ang pila sa likod ko... bahala kayo dyan mauuna ako. Wahahaha! 

Nangangalay na naman ang mga paa ko... Sobrang tagal na ng pagtayo ko. Nang sa hindi ko inaasahan, kinalabit ako ng isang matandang babae...na nasa dapit-hapon ng kanyang buhay. "Ineng, konting barya lang po" Ang bulong nya sa akin... Habang dumudukot ako ng barya... napatitig ako sa kanyang kanang binti... Gosh! putol pala ang paa ni lola... naglalakad sa ganitong ka-busy na lugar... andaming tao! paano kung matalisod nya, mabangga ng sasakyan???? Sobrang saya nya ng abutan ko ng ilang barya... iika-ika sa paglakad gamit ang tungkod nyang gawa sa kahoy na mukhang napulot lang sa tabi-tabi... Napahiya na naman ako sa sarili ko...Ito ako, kumpleto sa mga paa at binti... malakas ang mga kalamnan, ngunit sa sandaling pagtayo sa bus ay nagrereklamo na.... 

Dumerecho si lola sa bilihan ng candy... nakita ko na may dala syang isang pirasong tinapay na parang maghapon ng nasinagan ng araw sa tabi ng kalye... iika-ika ulit syang naglakad palayo, tanaw ko pa rin si lola kung saan sya dadalhin ng kanyang mga tungkod... Hanggang tumigil sya sa isang upuang kahoy... May naghihintay sa kanyang isang matandang lalaki... na mukhang hindi nailalayo sa kanya ang edad... Iniabot ni lola ang tinapay kay lolo... kasabay ng napakatamis na mga ngiti......... Sinuklian din sya nito ng isang ngiti at may kasamang pisil pa sa braso... Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita kong dalawang paa nito ang putol!... nakapatong lang ang katawan nya sa silyang nagsisilbing mga paa nya.... Magkatabi nilang pinagsaluhan ang maliit na tinapay na iyon... Nagtatawanan at antatamis ng mga ngiti sa usapang mga puso lang nila ang nakakaintindi... Tanggap ng bawat kagat nila kahit gaano katigas at kalamig ang tinapay.... Samantalang ako......Masaganang tanghalian kanina...kumpleto sa ulam pati na sa kanin...may kasama pang softdrinks... Pero nagrereklamo pa rin dahil sa simpleng bagay na hindi nainit sa MICROWAVE... uuwi sa mister ko... kasabay ng masaganang hapunan, pero hindi man lamang kami mag-ngingitian... Ni mag-uusap sa aming pagkain.... Subalit narito ang dalawang matanda, kapos sa pera, kulang ang parte ng katawan, ngunit buong-buo ang makikitang pagmamahal sa isat-isa sa pagsasalo sa simpleng hapag....

Napukaw ang aking pansin ng marinig ko ang konduktor ng bus tumatawag... oh BACLARAN! BACLARAN!!! Tayuan na po! 

Magiliw akong ngumiti sa konduktor....Sabay sabing "OK LANG KUYA, TATAYO PO AKO" (magamit naman ang mga binti at paa ko) Napakamot ng ulo si kuya, naka-skirt kasi ako nun pero bongga kasi tatayo.... Pakanta-kanta pa si kuyang konduktor. Wari'y masaya sa trabaho nya... Inusisa ko sya sa aking pagtataka, "Kuya, bakit masaya ka?" "Wala naman po Ma'am, natutuwa lang ako kasi naihahatid namin ng maayos ang mga tao s kanilang pupuntahan ng ligtas..." ibinulong nya pa..."28th year anniversary po namin ni Misis"...

Naalala ko na naman ang paninigaw ko sa mga staff ko kanina....Ang ganda-ganda ng posisyon ko pero hindi ko makita ang tunay na kaluhugan ng pagtatrabaho...Paano kung yung sinigawan ko palang si Luis eh nagkatanong anibersaryo rin nila ng misis nya...tapos sisirain ko araw nya dahil lang sa malamig na tanghalian ko??? Samantalang...ito si kuyang konduktor, masaya at kuntento sa buhay nya... Tsk! Ansama ko talaga....

Halos maluha ako habang nakahawak sa handle ng bus... Napakaswerte ko palang tao.... Mula pa paggising hanggang sa pagtulog... Marami akong dapat ipagpasalamat sa PANGINOON..... Marami akong biyayang natatanggap mula sa kanya na nakakalimutan kong ipagpasalamat at ibalik ang papuri sa kanya.... Ngayun, dahil sa paghihintay ko sa bus... marami akong natutunang aral ng buhay... Ang magpasalamat at maging kuntento sa kung anumang meron ako...Mahalin ang mga bagay na kaloob ng maykapal at mahalin ang mga tanong iginuhit nya sa buhay ko..... Mamaya pag-uwi ko, may ikkwento ako kay Ron! Matutuwa yun....


SALAMAT PO DIYOS KO!!!! 



 
-Kwento mula sa isang kaibigang itago natin sa pangalang Freda.




Friday 2 September 2011

DO YOU STILL OBEY???


A young man had been to Wednesday Night Bible Study.

The Pastor had shared about listening to God and obeying the Lord's voice

The young man couldn't help but wonder, 'Does God still speak to people?'

After service, he went out with some friends for coffee and pie and they discussed the message.
Several different ones talked about how God had led them in different ways.

It was about ten o'clock when the young man started driving home. Sitting in his car, he just began to pray, 'God . . If you still speak to people, speak to me. I will listen. I will do my best to obey.'

As he drove down the main street of his town, he had the strangest thought to stop and buy a gallon of milk.

He shook his head and said out loud, 'God is that you?' He didn't get a reply and started on toward home.

But again, the thought, buy a gallon of milk.

The young man thought about Samuel and how he didn't recognize the voice of God, and how little Samuel ran to Eli.

'Okay, God, in case that is you, I will buy the milk.' It didn't seem like too hard a test of obedience. He could always use the milk. He stopped and purchased the gallon of milk and started off toward home.

As he passed Seventh Street , he again felt the urge, 'Turn Down that street.'

This is crazy he thought, and drove on past the intersection.

Again, he felt that he should turn down Seventh Street ..

At the next intersection, he turned back and headed down Seventh.

Half jokingly, he said out loud,

'Okay, God, I will.'

He drove several blocks, when suddenly, he felt like he should stop He pulled over to the curb and looked around. He was in a semi- commercial area of town. It wasn't the best but it wasn't the worst of neighborhoods either.
The businesses were closed and most of the houses looked dark like the people were already in bed.

Again, he sensed something, 'Go and give the milk to the people in the house across the street.' The young man looked at the house. It was dark and it looked like the people were either gone or they were already asleep. He started to open the door and then sat back in the car seat.

'Lord, this is insane. Those people are asleep and if I wake them up, they are going to be mad and I will look stupid.' Again, he felt like he should go and give the milk.

Finally, he opened the door, 'Okay God, if this is you, I will go to the door and I will give them the milk. If you want me to look like a crazy person, okay. I want to be obedient.. I guess that will count for something, but if they don't answer right away, I am out of here.'

He walked across the street and rang the bell. He could hear some noise inside. A man's voice yelled out, 'Who is it? What do you want?' Then the door opened before the young man could get away.

The man was standing there in his jeans and T-shirt. He looked like he just got out of bed. He had a strange look on his face and he didn't seem too happy to have some stranger standing on his doorstep. 'What is it?'

The young man thrust out the gallon of milk, 'Here, I brought this to you.' The man took the milk and rushed down a hallway.

Then from down the hall came a woman carrying the milk toward the kitchen. The man was following her holding a baby. The baby was crying. The man had tears streaming down his face.

The man began speaking and half crying, 'We were just praying. We had some big bills this month and we ran out of money. We didn't have any milk for our baby. I was just praying and asking God to show me how to get some milk.' His wife in the kitchen yelled out, 'I ask him to send an Angel with some. Are you an Angel?'

The young man reached into his wallet and pulled out all the money he had on him and put in the man's hand. He turned and walked back toward his car and the tears were streaming down his face.
He knew that God still answers prayers. 

Thursday 1 September 2011

WHAT COMES AROUND, GOES AROUND

One day a man saw an old lady, stranded on the side of the road, but even in the dim light of day, he could see she needed help. So he pulled up in front of her Mercedes and got out. His Pinto was still sputtering when he approached her.

Even with the smile on his face, she was worried. No one had stopped to help for the last hour or so. Was he going to hurt her? He didn't look safe; he looked poor and hungry.

He could see that she was frightened, standing out there in the cold. He knew how she felt. It was that chill which only fear can put in you.

He said, 'I'm here to help you, ma'am. Why don't you wait in the car where it's warm? By the way, my name is Bryan Anderson.'

Well, all she had was a flat tire,
But for an old lady, that was bad enough. Bryan crawled under the car looking for a place to put the jack, skinning his knuckles a time or two. Soon he was able to change the tire. But he had to get dirty and his hands hurt.

As he was tightening up the lug nuts, she rolled down the window and began to talk to him. She told him that she was from  St. Louis and was only just passing through. She couldn't thank him enough for coming to her aid.

Bryan just smiled as he closed her trunk. The lady asked how much she owed him. Any amount would have been all right with her. She already imagined all the awful things that could have happened had he not stopped.

Bryan never thought twice about being paid.
This was not a job to him. This was helping someone in need, and God knows there were plenty, who had given him a hand in the past. He had lived his whole life that way, and it never occurred to him to act any other way.

He told her that if she really wanted to pay him back, the next time she saw someone who needed help, she could give that person the assistance they needed, and Bryan added, 'And think of me..'

He waited until she started her car and drove off. It had been a cold and depressing day, but he felt good as he headed for home, disappearing into the twilight.

A few miles down the road the lady saw a small cafe. She went in to grab a bite to eat, and take the chill off before she made the last leg of her trip home. It was a dingy looking restaurant. Outside were two old gas pumps. The whole scene was unfamiliar to her. The waitress came over and brought a clean towel to wipe her wet hair. She had a sweet smile, one that even being on her feet for the whole day couldn't erase. The lady noticed the waitress was nearly eight months pregnant, but she never let the strain and aches change her attitude. The old lady wondered how someone who had so little could be so giving to a stranger. Then she remembered  Bryan .

After the lady finished her meal, she paid with a hundred dollar bill. The waitress quickly went to get change for her hundred dollar bill, but the old lady had slipped right out the door. She was gone by the time the waitress came back. The waitress wondered where the lady could be. Then she noticed something written on the napkin.

There were tears in her eyes when she read what the lady wrote: 'You don't owe me anything. I have been there too. Somebody once helped me out, the way I'm helping you. If you really want to pay me back, here is what you do: Do not let this chain of love end with you.'

Under the napkin were four more $100 bills..

Well, there were tables to clear, sugar bowls to fill, and people to serve, but the waitress made it through another day. That night when she got home from work and climbed into bed, she was thinking about the
Money and what the lady had written. How could the lady have known how much she and her husband needed it? With the baby due next month, it was going to be hard....

She knew how worried her husband was, and as he lay sleeping next to her, she gave him a soft kiss and whispered soft and low, 'Everything's going to be all right.. I love you, Bryan....'

Friday 5 August 2011

PAGMULAT



"Salamat sayo...sa bawat gising ko sa umaga, ikaw ang bumubukas ng liwayway sa bawat gising ko... Thanks my ALARM CLOCK!" Hahaha!
Nagising akong medyo mabigat ang pakiramdam... Maysakit kasi ang asawa ko at masama ang ubo.... Hindi tuloy ako halos nakatulog ng maayos kagabi.... Hindi ako mapakali pag ganitong nagkakasakit sya.. Bawat pihit nya sa kama, magigising ako ng puno ng pag-aalala...Sana ako na lang nagkasakit, kesa sya ang nagdadala ng hirap ng ubong madikit sa dibdib...na di ko alam kung inlove sa kanya, kasi ilang araw na syang ayaw tantanan.... :-) Ganun naman kami, ganun din sya sa akin... Twing ako'y nagdaramdam, sya ang unang nakakaramdam nun, sya ag unang nakakaunawa at sya ang nagpapagaan... Swerte talaga ako! Salamat sa Diyos at pinagkaloob sya sa akin. Pero hindi lahat ng babae sa mundo ay nabiyayaan ng pareho ng sa akin...


Itago natin sya sa pangalang MARIA. Maganda si Maria, maamo ang maliit na mukha... Medyo makapal ang labi...na sabi nila ay asset nya, parang si Angelina Jolie, may isang kilong nguso... Hehehe! Makapal ang pilik at laging nakangiti sa sinumang makasalamuha nya... Kaklase ko sya sa high school. Talagang ganun kami kadikit! Parang bubble gum ako at sya ang swelas ng sapatos. Hindi mapaghiwalay... (mas cute yata pakinggan ang bubble gum kesa sa swelas hahaha). Lahat ng gimik, magkasama kami, sa mga exams, sabay laging mag-aral, sabay kumain...Alam nya ang sikreto ko at alam ko ang sikreto nya... Marami kaming pangarap! Na nais naming mabuo sa pagdaan ng mga panahon... Makatapos ng pag-aaral, makapagtrabaho sa magandang opisina... Pangarap nyang maging doktora. Bagay naman sa kanya kasi maganda sya at maamo...siguradong gagaling ang sinumang maysakit na pasyenteng magbabalak humingi ng payo sa kanya. Masayahin si Maria, bunso sa magkakapatid kaya malambing... At masasabi kong matapat na kaibigan. Matalino rin sya ang punung-puno ng pag-asa...

Nakatapos kami ng hyskul at nagbalak na pumasok sa iisang eskwelahan sa kolehiyo... Ako sa kursong Business Management, ngunit sya... hindi nya naituloy pumasok sa parehong university ko.. Gusto nya kasing ituloy ang medical course nya, di ko naman sya mapigilan kasi pangarap nya talaga yun...Pero NURSING lang ang kinuha nya... preparatory daw sa MEDICINE. Nagkikita at nagkakausap kami madalas. Hanggang maging demanding ang course ko at ganun din sya hanggang maging bihira na kami makapag-usap.

Nabalitaan kong tumigil sya sa pag-aaral, at nagtrabaho na lang sa isang fastfood chain sa Imus,Cavite, dinadalaw ko sya dun at nakilala ko ang nobyo nya, May ichura si bagets! mabait namang kausap, pero mukhang babaero... Tsk! Maganda kasi si Maria... Ilang beses silang nag-away, lahat ng un nalaman ko kasi unlimited txt and call naman sa SUN so walang humpay na kwentuhan... Hanggang isang araw... papuntahin nya ako sa kanila, at may sasabihin syang importante. Sinama ko yung asawa ko na noon ay boyfriend ko pa lang... (same university kami at same course din). Sabi ni Maria, pasok kami sa kwarto kasi may ipapakita sya... May inilabas syang isang maliit a kahon at iniabot sakin ang isang may kaliitang bagay na kulay puti... mga 4inches ang haba at may dalawang guhit na kulay violet sa gitna. Napakunot-noo ako. "ano to?" ang sabi ko. "pregnancy test yan" "anong sabi?" muli kong tanong. "BUNTIS daw ako..." ang bulong nya...

Hindi ako nakaamang... Napuno ng blangkong papel ang bawat sulok ng brain cells ko...Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hanggang maramdaman ko ang mainit na likidong malayang dumaloy sa aking pisngi... Umiyak ako ng tagpong yun. Hindi ko alam kung bakit pero umiyak ko. Marahil naramdaman kong nabasag ang isang magandang plorera ng bulaklak na matagal na panahong yumabong at naging maganda sa paningin ng iba. Ngayun ay basag na... Nanginignig ang mga kamay nya ng abutin ko. Malamig pa sa yelo. Umiiyak din sya ng sabihing "wala akong magagawa, kaloob ito ng Diyos, at biyaya ng langit" itataguyod ko itong mag-isa... Tutulungan kita: ang mga salitang namutawi sa aking labi. 

Nagtataka ang asawa ko ng lumabas kami ng kwarto. Pareho kaming may luha pero masaya ang mga mukha. Ikinwento ko naman sa kanya ang lahat sa permiso ng kaibigan ko.
Ilang araw ang lumipas ng ibalita nya sa akin na papanagutan naman ni Pedro ang dinadala nya. Nakapanganak na si Maria at ninang ako ng magandang batang babae na naging supling nila. Ngunit sa pagsasama nilang yun... madalas syang magkwento sa akin na nambabae ang damuhong mister nya!!! Siraulo talaga! Sarap nyang balatan ng buhay at ilubog sa drum ng kalamansi hanggang mamatay! hahaha! pero wala naman akong magagawa buhay mag-asawa nila yun eh, mahirap manghimasok ...

Lumipas ang mga panahong ganun, pare-pareho ang kwento... Manager na ako nun sa isang kilalang SPORT's shop sa mga mall. Si Maria, hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.
Hanggang isang gabi, mga 7pm, isang txt ang natanggap ko mula sa isang hindi gaanong ka-close na kaibigan, "Psst, nabalitaan mo ba nangyari kay Maria?" Binalot ang kilabot ang buong pagkatao ko...pero nilalabanan ko ang kung anong sumisiksik sa isipan ko. "Bakit? ano yun" Reply ko sa txt nya... hini na sya sumagot pa. Hanggang maisipan kong tawagan ang ate nya at alamin ang nangyari... Narinig ko sa kabilang linya si Ate Lorna, "Huhuhu! Wala na sya! nagbaril sa ulo! Kinuha baril ni kuya sa bahay nila at ipinutok sa sariling sintido! Wala na sya! Wala na kapatid ko!!!"

Hindi ako makapaniwala sa nangyari... Halos walang salita ni luhang lumabas sa akin. Tulala lang ako at nahimasmasan lang ng tanungin ako ng ate ko. Halos lamunin ako ng lupa sa balitang yun! ang bestdfried ko wala na! totoo ba ito! sana magising ako sa isang masamang panaginip!!! ilang araw akong umiiyak..... hindi makausap kahit ng boyfried ko. Madalas nya akong dalawin sa panaginip at kinakausap...Nagigising na lang ako sa gabi na basa ng luha ang mga mata... Ng isang gabi mapagdesisyunan kong puntahan na sya sa burol nya.

Maraming tao, may rock band pa (lagi nya kasing sinasabi na pag namatay daw sya sana may banda), maingay at maraming taong paroon at parito. Mga kaklase noon at mga malalapit na kaibigan. Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa bahay nila ng ganun kabigat ang paa ko...wala na yata ako sa ulirat. Hanggang, makita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa pintuan nila...Ng makita ko ang larawan ng maganda nyang mukha sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kabaong! Wala na...hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nahimatay ba ako? ewan ko din. Basta alam ko lang, iyak ako ng iyak na parang mamamatay na din ako sa sama ng loob.... huhuhuhu!

Bakit kailangang mangyari ito sa kanya??? Mabait naman sya at mabuting tao... Bakit sya nanghina??? Bakit hindi nya ako kinausap bago iyon??? Bakit ganito??? Bakit ganyan??? Maraming tanong ang nasa utak ko na hanggang ngayun ay di ko pa rin masagot...kung BAKIT. Malas sya! oo! Malas! at napangasawa nya yung demonyo na yun na hanggang ngayun ay syang sinisisi ko sa pagkawala ni Maria. Hindi ko sya sinilip sa kabaong ng ilang araw.... Yung maganda larawan nya lang ang tinitingnan ko... Kahit ang puntod nya (7 yrs na nakakaraan) pero hindi ko pa rin pinupuntahan. Ayokong makita na naka-ukit ang pangalan nya sa piraso ng bato na iyon na ansarao ipukpok sa ulo ng mister nyang damuho!!!...Haay...ganyan kalupit ang pagkakataon....Wala ng magawa ang mga taong nagmamahal sa kanya...wala na eh. 

Basta ang alam ko lang... "TREAT EACH DAY AS IF IT WAS YOUR LAST".....Ipakita na sa mga taong mahal natin na mahalaga sila sa atin... Kasi hindi natin alam kung kailan sila mawawala....
IMULAT ANG MATA... SA KATOTOHANANG LAHAT TAYO MAWAWALA......Pero bago sila mawala,oh bago ikaw mawala... Iparamdam at ipakita mo na... habang may panahon pa.


Thursday 4 August 2011

Kape-Kape




sang kakabagot na hapon....naisipang kong magsulat... oo MAGSULAT! ito ang isa sa mga hidden dreams ko...sumulat at mabasa ng marami ang mga diwang naisasalin ko sa papel, gamit ang mga daliring kong parang may sariling isip.... well, this is the start of fulfilling my dreams. pasensya na sa inyong mga babasa.... alam ko medyo magiging corny ako minsan...or madalas... pero ito ang magiging daan upang makadaupang palad natin ang isat-isa at makilala ang tunay na sa saloobin sa mga bagay-bagay...


haay.....sobrang kakaantok ngayun sa office...ito pala ang epekto ng antok!!! hahaha!

parang naririnig ko pa ung boses ng isang kaibigan ko, sa tuwing ganitong oras... sigaw yan ng KAPE-KAPE!!!

GABING MALAMIG



Hmm... Medyo malamig talaga ngayun... nararamdaman ko ang dampi ng simoy ng hangin sa aking balat... WINTER na kasi sa Australia, kaya nararamdaman namin dito sa Papua New Guinea. Tsk! manginginig na naman ako nito sa shower mamaya...

10:40PM, kitang-kita ko ang oras sa digital clock na nakadikit sa shower mirror namin. Naging ganun na ang routine ko gabi-gabi. Late ng maligo... Well, no choice naman ako kasi di ko kayang matulog ng di nakakapaligo...ang kati sa balat nun! at cguradong paggising ko sa umaga, tadtad ng pantal ang katawan ko! 

Habang dumadampi ang maligamgam na lagaslas ng tubig sa buhok ko pababa sa balikat at tuloy-tuloy sa katawan hanggang sa paa... May naalala akong isang pangyayari.

Taong 1990, Antipolo Rizal, Dulong Bayan 

Humangahos akong tumatakbo pauwi sa aming tahanan... Sobrang nananabik akong makita ang mama ko. Iyon kasi ang unang araw ko sa eskwela. Hindi ako umiyak noon, kagaya ng ibang mga bata na halos malaglag na sa upuan kakapalahaw sa takot sa teacher. Matapang ako para sa unang araw ko sa school. Masaya akong matuto at super excited kong magkaroon ng mga kaibigan. Mga 4yrs pa lang kasi ako natuturuan na ako ng ate ko magbasa at sumulat. Gayun din ang gumihit, kaya nadala ko hanggang sa pagtanda ang talentong iyon... Iyon nga lang, bihira na akong magpinta... Pero ang pagbabasa at pagsulat ay nananalaytay na sa aking dugo. Kahit gaano kasaya ang araw na iyon, meron akong hinahanap... meron kulang, NAMIMISS ko ang mama ko! super miss!!!! humahangos akong bitbit ang aking pink na bag kasama ng lunch box kong di ko na matandaan ang laman, pero cguradong masarap kasi si mama ang nagluto. Hehehe! (Buti si ako tabain!) Nakita ko ang mama ko, abala sa kusina, alas-dose y media kasi nun half-day lang ang pasok ng kindergarten. Lumiwanag ang kanyang mukha ng makita nya ako... bukas ang mga bisig at niyakap ako ng wlang hanggang init ng kanyang mga braso... sabay sabing "NAMISS KITA NAK!"... Nakita kong msaya sya habang nagkkwento ako sa mga unang karanasan ko sa eskwela, ngunit may kung ano akong naaininag sa kanyang mga mata... LUNGKOT ba itong nakikita ko? Marahil sa dahilang alam nyang nagsisimula ng lumipad ang kanyang bunso...Lilipad paakyat sa matayog na ulap ng pangarap.... Nagpatuloy ang mga eksenang iyon sa bawat araw...Bawat luhang dala ko sa twing may aaway sa akin, sya ang nagpapahid ng kanyang mga palad... sa bawat sumbong ko sa kanya sa twing napapagalitan ako ng teacher ko ay napapalitan ng ngiti at tawa. Mahal na mahal ko ang mama ko!


Hinding-hindi mawala sa isipan ko ang mga tagpong iyon... Ngayun milya-milya na ang layo ko sa kanya... Pilipinas at Papua New Guinea? Hindi birong distansya.... Subalit twing naalala ko ang kanyang mga yakap, ngiti at walang hanggang pagmamahal sa akin bilang bunso nya... Nagiging matatag ako sa mga hamon ng buhay. Minsan, naiisip ko, (gaya ngayung GABING MALAMIG) sana andito ang mama ko.... Para twing natatakot ako sa mga teacher ng buhay ko...twing may umaaway sa akin... Yayakapin lang nya ako at lahat ng iyon ay maglalaho...Sana ganun kasimple ang buhay, ganung kagaan... Pero wag kang mag-alala ma.... dahil sa pagpapalaki mo sa aming magkapatid na maayos....umasa kang magiging maayos at mabuti akong tao, pangako ko yan sayo....



Pero sa mga ganitong pagkakataon, at MALAMIG ang GABI.... gusto ko lang sabihin ma.... NAMIMISS KITA!!!!