Powered By Blogger

Friday 5 August 2011

PAGMULAT



"Salamat sayo...sa bawat gising ko sa umaga, ikaw ang bumubukas ng liwayway sa bawat gising ko... Thanks my ALARM CLOCK!" Hahaha!
Nagising akong medyo mabigat ang pakiramdam... Maysakit kasi ang asawa ko at masama ang ubo.... Hindi tuloy ako halos nakatulog ng maayos kagabi.... Hindi ako mapakali pag ganitong nagkakasakit sya.. Bawat pihit nya sa kama, magigising ako ng puno ng pag-aalala...Sana ako na lang nagkasakit, kesa sya ang nagdadala ng hirap ng ubong madikit sa dibdib...na di ko alam kung inlove sa kanya, kasi ilang araw na syang ayaw tantanan.... :-) Ganun naman kami, ganun din sya sa akin... Twing ako'y nagdaramdam, sya ang unang nakakaramdam nun, sya ag unang nakakaunawa at sya ang nagpapagaan... Swerte talaga ako! Salamat sa Diyos at pinagkaloob sya sa akin. Pero hindi lahat ng babae sa mundo ay nabiyayaan ng pareho ng sa akin...


Itago natin sya sa pangalang MARIA. Maganda si Maria, maamo ang maliit na mukha... Medyo makapal ang labi...na sabi nila ay asset nya, parang si Angelina Jolie, may isang kilong nguso... Hehehe! Makapal ang pilik at laging nakangiti sa sinumang makasalamuha nya... Kaklase ko sya sa high school. Talagang ganun kami kadikit! Parang bubble gum ako at sya ang swelas ng sapatos. Hindi mapaghiwalay... (mas cute yata pakinggan ang bubble gum kesa sa swelas hahaha). Lahat ng gimik, magkasama kami, sa mga exams, sabay laging mag-aral, sabay kumain...Alam nya ang sikreto ko at alam ko ang sikreto nya... Marami kaming pangarap! Na nais naming mabuo sa pagdaan ng mga panahon... Makatapos ng pag-aaral, makapagtrabaho sa magandang opisina... Pangarap nyang maging doktora. Bagay naman sa kanya kasi maganda sya at maamo...siguradong gagaling ang sinumang maysakit na pasyenteng magbabalak humingi ng payo sa kanya. Masayahin si Maria, bunso sa magkakapatid kaya malambing... At masasabi kong matapat na kaibigan. Matalino rin sya ang punung-puno ng pag-asa...

Nakatapos kami ng hyskul at nagbalak na pumasok sa iisang eskwelahan sa kolehiyo... Ako sa kursong Business Management, ngunit sya... hindi nya naituloy pumasok sa parehong university ko.. Gusto nya kasing ituloy ang medical course nya, di ko naman sya mapigilan kasi pangarap nya talaga yun...Pero NURSING lang ang kinuha nya... preparatory daw sa MEDICINE. Nagkikita at nagkakausap kami madalas. Hanggang maging demanding ang course ko at ganun din sya hanggang maging bihira na kami makapag-usap.

Nabalitaan kong tumigil sya sa pag-aaral, at nagtrabaho na lang sa isang fastfood chain sa Imus,Cavite, dinadalaw ko sya dun at nakilala ko ang nobyo nya, May ichura si bagets! mabait namang kausap, pero mukhang babaero... Tsk! Maganda kasi si Maria... Ilang beses silang nag-away, lahat ng un nalaman ko kasi unlimited txt and call naman sa SUN so walang humpay na kwentuhan... Hanggang isang araw... papuntahin nya ako sa kanila, at may sasabihin syang importante. Sinama ko yung asawa ko na noon ay boyfriend ko pa lang... (same university kami at same course din). Sabi ni Maria, pasok kami sa kwarto kasi may ipapakita sya... May inilabas syang isang maliit a kahon at iniabot sakin ang isang may kaliitang bagay na kulay puti... mga 4inches ang haba at may dalawang guhit na kulay violet sa gitna. Napakunot-noo ako. "ano to?" ang sabi ko. "pregnancy test yan" "anong sabi?" muli kong tanong. "BUNTIS daw ako..." ang bulong nya...

Hindi ako nakaamang... Napuno ng blangkong papel ang bawat sulok ng brain cells ko...Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hanggang maramdaman ko ang mainit na likidong malayang dumaloy sa aking pisngi... Umiyak ako ng tagpong yun. Hindi ko alam kung bakit pero umiyak ko. Marahil naramdaman kong nabasag ang isang magandang plorera ng bulaklak na matagal na panahong yumabong at naging maganda sa paningin ng iba. Ngayun ay basag na... Nanginignig ang mga kamay nya ng abutin ko. Malamig pa sa yelo. Umiiyak din sya ng sabihing "wala akong magagawa, kaloob ito ng Diyos, at biyaya ng langit" itataguyod ko itong mag-isa... Tutulungan kita: ang mga salitang namutawi sa aking labi. 

Nagtataka ang asawa ko ng lumabas kami ng kwarto. Pareho kaming may luha pero masaya ang mga mukha. Ikinwento ko naman sa kanya ang lahat sa permiso ng kaibigan ko.
Ilang araw ang lumipas ng ibalita nya sa akin na papanagutan naman ni Pedro ang dinadala nya. Nakapanganak na si Maria at ninang ako ng magandang batang babae na naging supling nila. Ngunit sa pagsasama nilang yun... madalas syang magkwento sa akin na nambabae ang damuhong mister nya!!! Siraulo talaga! Sarap nyang balatan ng buhay at ilubog sa drum ng kalamansi hanggang mamatay! hahaha! pero wala naman akong magagawa buhay mag-asawa nila yun eh, mahirap manghimasok ...

Lumipas ang mga panahong ganun, pare-pareho ang kwento... Manager na ako nun sa isang kilalang SPORT's shop sa mga mall. Si Maria, hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.
Hanggang isang gabi, mga 7pm, isang txt ang natanggap ko mula sa isang hindi gaanong ka-close na kaibigan, "Psst, nabalitaan mo ba nangyari kay Maria?" Binalot ang kilabot ang buong pagkatao ko...pero nilalabanan ko ang kung anong sumisiksik sa isipan ko. "Bakit? ano yun" Reply ko sa txt nya... hini na sya sumagot pa. Hanggang maisipan kong tawagan ang ate nya at alamin ang nangyari... Narinig ko sa kabilang linya si Ate Lorna, "Huhuhu! Wala na sya! nagbaril sa ulo! Kinuha baril ni kuya sa bahay nila at ipinutok sa sariling sintido! Wala na sya! Wala na kapatid ko!!!"

Hindi ako makapaniwala sa nangyari... Halos walang salita ni luhang lumabas sa akin. Tulala lang ako at nahimasmasan lang ng tanungin ako ng ate ko. Halos lamunin ako ng lupa sa balitang yun! ang bestdfried ko wala na! totoo ba ito! sana magising ako sa isang masamang panaginip!!! ilang araw akong umiiyak..... hindi makausap kahit ng boyfried ko. Madalas nya akong dalawin sa panaginip at kinakausap...Nagigising na lang ako sa gabi na basa ng luha ang mga mata... Ng isang gabi mapagdesisyunan kong puntahan na sya sa burol nya.

Maraming tao, may rock band pa (lagi nya kasing sinasabi na pag namatay daw sya sana may banda), maingay at maraming taong paroon at parito. Mga kaklase noon at mga malalapit na kaibigan. Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa bahay nila ng ganun kabigat ang paa ko...wala na yata ako sa ulirat. Hanggang, makita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa pintuan nila...Ng makita ko ang larawan ng maganda nyang mukha sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kabaong! Wala na...hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nahimatay ba ako? ewan ko din. Basta alam ko lang, iyak ako ng iyak na parang mamamatay na din ako sa sama ng loob.... huhuhuhu!

Bakit kailangang mangyari ito sa kanya??? Mabait naman sya at mabuting tao... Bakit sya nanghina??? Bakit hindi nya ako kinausap bago iyon??? Bakit ganito??? Bakit ganyan??? Maraming tanong ang nasa utak ko na hanggang ngayun ay di ko pa rin masagot...kung BAKIT. Malas sya! oo! Malas! at napangasawa nya yung demonyo na yun na hanggang ngayun ay syang sinisisi ko sa pagkawala ni Maria. Hindi ko sya sinilip sa kabaong ng ilang araw.... Yung maganda larawan nya lang ang tinitingnan ko... Kahit ang puntod nya (7 yrs na nakakaraan) pero hindi ko pa rin pinupuntahan. Ayokong makita na naka-ukit ang pangalan nya sa piraso ng bato na iyon na ansarao ipukpok sa ulo ng mister nyang damuho!!!...Haay...ganyan kalupit ang pagkakataon....Wala ng magawa ang mga taong nagmamahal sa kanya...wala na eh. 

Basta ang alam ko lang... "TREAT EACH DAY AS IF IT WAS YOUR LAST".....Ipakita na sa mga taong mahal natin na mahalaga sila sa atin... Kasi hindi natin alam kung kailan sila mawawala....
IMULAT ANG MATA... SA KATOTOHANANG LAHAT TAYO MAWAWALA......Pero bago sila mawala,oh bago ikaw mawala... Iparamdam at ipakita mo na... habang may panahon pa.


No comments:

Post a Comment