Haay...eto na naman tayo...Lunes na naman! Tsk! Twing lunes na lang mabigat ang katawan ko... Parang ayaw aangat ng likod ko sa kamang kapiling ko buong magdamag... Super mami-miss ko na naman ang unan ko...Un bang pag nanaginip ka na nasa isang lugar ka eh ayaw mo ng dumilat ulit...
Matapos maligo at humigop ng kapeng wala ng init kasi antagal ng nakatiwangwang sa lamesa...
Nakatayo ako sa kanto namin....Medyo masakit na ang paa ko kakatayo... Ang aga kong gigising tapos wala naman palang bus... Sayang! sana hinabaan ko na lang ang tulog ko... Natuloy sana ung panaginip kong sirena daw ako... Hahaha! "Hmpt! ang hirap naman sumakay! kanina pa ako nakatayo dito ah! wala pa ring bus!" Naibulalas ko ng medyo malakas...Napatingin tuloy sa akin ung babaeng nagtitinda ng candy at yosi... Ewwee! I'm so nakakahiya naman...hahaha! Inaaliw ko na lang sarili ko sa haba ng paghihintay. Sa wakas dumating na ang bus na super tagal kong inasam-asam.
On my office... "Lecheng mga staff to! Hindi na naman kayo naglinis ng area noh?!" Ang dudumi ng mga shelves nyo... linisin nyo yan! Sigaw ko sa mga tauhan ko... Pero eching ko lang yun, para hindi nila mahalatang late si ma'am... hehehe! Sila naman nagkumahog mag-unahan kumuha ng walis at basahan para makapaglinis muna bago magbukas ng tuluyan ang mall.
Sa lunch, ano ba yan??? Bakit Sira na naman itong micowave dito??? "Luis! sino na namang gumamit nito hindi inayos ang plug, ayan! kinagat ng daga! putol! gusto nyong putulin ko mga daliri nyo??? Anlamig na ng baon ko??? Paano ko ngayun kakainin yan??? Itapon mo yan, ibili mo ako ng jolibee sa tapat!"
"Bakit ganito ang aircon"... Anlamig naman!" Hindi kasi ako sanay sa lamig... Sinisipon agad ako pag ganun kalamig... Hahatching tapos maya-maya sipon na...
Uwian na...Hintay na naman ng bus.... Habang naghihintay ako... nakita ko ang isang pamilyar na tanawin sa may gilid ng mall bldg. Ganun naman talaga kapag mga 11PM na, ginagawa ng tambayan ng mga pulubi ang gilid ng mall kasi nga naman may konting sinag ng ilaw at pakiramdam ng mag-anak na yun ay ligtas na silang makakatulog... Nakita ko ang isang batang lalaki na may 4 na taong gulang lamang... Payat ang katawan... Namamaluktot sa kanyang pagkakahiga... Ngunit maaninag mo sa kanyang mukha ang kakuntentuhan.... Himbing ang tulog na maya't-maya ay bumubuka ang labi na wari mo'y kinakausap ng anghel sa kanyang pagkakatulog... Bigla kong naalala ang reklamo ko kanina sa AIRCON sa store... Samantalang ako, simpleng lamig sa aircon hindi ko matagalan... Tsk! Walang kakuntentuhan....Samantalang ang batang ito, parang ninanamnam nya pa ang lamig ng sementong kanyang hinihigaan.. Napailing ako sa sarili ko... Mabuti pa ang maliit na bata marunong magkasya sa kung anong meron sya...
Lumipas ang ilang minuto wala pa ding bus... Humahaba na ang pila sa likod ko... bahala kayo dyan mauuna ako. Wahahaha!
Nangangalay na naman ang mga paa ko... Sobrang tagal na ng pagtayo ko. Nang sa hindi ko inaasahan, kinalabit ako ng isang matandang babae...na nasa dapit-hapon ng kanyang buhay. "Ineng, konting barya lang po" Ang bulong nya sa akin... Habang dumudukot ako ng barya... napatitig ako sa kanyang kanang binti... Gosh! putol pala ang paa ni lola... naglalakad sa ganitong ka-busy na lugar... andaming tao! paano kung matalisod nya, mabangga ng sasakyan???? Sobrang saya nya ng abutan ko ng ilang barya... iika-ika sa paglakad gamit ang tungkod nyang gawa sa kahoy na mukhang napulot lang sa tabi-tabi... Napahiya na naman ako sa sarili ko...Ito ako, kumpleto sa mga paa at binti... malakas ang mga kalamnan, ngunit sa sandaling pagtayo sa bus ay nagrereklamo na....
Dumerecho si lola sa bilihan ng candy... nakita ko na may dala syang isang pirasong tinapay na parang maghapon ng nasinagan ng araw sa tabi ng kalye... iika-ika ulit syang naglakad palayo, tanaw ko pa rin si lola kung saan sya dadalhin ng kanyang mga tungkod... Hanggang tumigil sya sa isang upuang kahoy... May naghihintay sa kanyang isang matandang lalaki... na mukhang hindi nailalayo sa kanya ang edad... Iniabot ni lola ang tinapay kay lolo... kasabay ng napakatamis na mga ngiti......... Sinuklian din sya nito ng isang ngiti at may kasamang pisil pa sa braso... Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita kong dalawang paa nito ang putol!... nakapatong lang ang katawan nya sa silyang nagsisilbing mga paa nya.... Magkatabi nilang pinagsaluhan ang maliit na tinapay na iyon... Nagtatawanan at antatamis ng mga ngiti sa usapang mga puso lang nila ang nakakaintindi... Tanggap ng bawat kagat nila kahit gaano katigas at kalamig ang tinapay.... Samantalang ako......Masaganang tanghalian kanina...kumpleto sa ulam pati na sa kanin...may kasama pang softdrinks... Pero nagrereklamo pa rin dahil sa simpleng bagay na hindi nainit sa MICROWAVE... uuwi sa mister ko... kasabay ng masaganang hapunan, pero hindi man lamang kami mag-ngingitian... Ni mag-uusap sa aming pagkain.... Subalit narito ang dalawang matanda, kapos sa pera, kulang ang parte ng katawan, ngunit buong-buo ang makikitang pagmamahal sa isat-isa sa pagsasalo sa simpleng hapag....
Napukaw ang aking pansin ng marinig ko ang konduktor ng bus tumatawag... oh BACLARAN! BACLARAN!!! Tayuan na po!
Magiliw akong ngumiti sa konduktor....Sabay sabing "OK LANG KUYA, TATAYO PO AKO" (magamit naman ang mga binti at paa ko) Napakamot ng ulo si kuya, naka-skirt kasi ako nun pero bongga kasi tatayo.... Pakanta-kanta pa si kuyang konduktor. Wari'y masaya sa trabaho nya... Inusisa ko sya sa aking pagtataka, "Kuya, bakit masaya ka?" "Wala naman po Ma'am, natutuwa lang ako kasi naihahatid namin ng maayos ang mga tao s kanilang pupuntahan ng ligtas..." ibinulong nya pa..."28th year anniversary po namin ni Misis"...
Naalala ko na naman ang paninigaw ko sa mga staff ko kanina....Ang ganda-ganda ng posisyon ko pero hindi ko makita ang tunay na kaluhugan ng pagtatrabaho...Paano kung yung sinigawan ko palang si Luis eh nagkatanong anibersaryo rin nila ng misis nya...tapos sisirain ko araw nya dahil lang sa malamig na tanghalian ko??? Samantalang...ito si kuyang konduktor, masaya at kuntento sa buhay nya... Tsk! Ansama ko talaga....
Halos maluha ako habang nakahawak sa handle ng bus... Napakaswerte ko palang tao.... Mula pa paggising hanggang sa pagtulog... Marami akong dapat ipagpasalamat sa PANGINOON..... Marami akong biyayang natatanggap mula sa kanya na nakakalimutan kong ipagpasalamat at ibalik ang papuri sa kanya.... Ngayun, dahil sa paghihintay ko sa bus... marami akong natutunang aral ng buhay... Ang magpasalamat at maging kuntento sa kung anumang meron ako...Mahalin ang mga bagay na kaloob ng maykapal at mahalin ang mga tanong iginuhit nya sa buhay ko..... Mamaya pag-uwi ko, may ikkwento ako kay Ron! Matutuwa yun....
SALAMAT PO DIYOS KO!!!!
-Kwento mula sa isang kaibigang itago natin sa pangalang Freda.
No comments:
Post a Comment