Walang gaanong ginagawa sa opisina ngayun. Natapos ko na mga pending lists ko, nakatawag na din ako sa mga clients na kailangan ng shipment for this week... Napatulala ako sa harap ng monitor ko. Hmmm..... Ano kayang magagawa ngayun? Sobrang antok ko na talaga... Ayoko namang magkape kasi tumataas na ang level ng nerbyos sa katawan ko na kahit may kumalabit lang sa akin mula sa likod ay napapatalon na ako sa gulat....
Sabi nila, when your body is free... your mind is unempty.
Nagbabalik ang mga YUN, sa twing wala akong ginagawa. Katrabaho ko si CLARK. Nasa purchasing department ako, habang sya ay Liason Officer sa aming may kalakihang pinapasukang kompanya. Malambing si Clark. Lagi akong may libreng merienda at pananghalin. Hahaha! Takaw! Oh di kaya ay libreng hapunan sa twing aabutin ako ng gabi dahil sa tambak na trabaho sa shipment. Matyaga syang maghihintay sa akin at sabay kaming uuwi. Pag nasa bahay na, aasahan ko ng tutunog ang Iphone ko, dahil may mensaheng dumating galing sa kanya...FB post kumbaga.
CLARK: Hi, Celine. Bahay na ako...ikaw?
AKO: Andito na din ako, kararating lang.
CLARK: Matutulog ka na ba?
AKO: Hindi pa, mag-aayos pa ng gamit at damit para bukas.
Ganun sya kalambing at kamaalaga... Kahit nasa opisina na kami, magmemessage pa din yan sa Facebook ko kahit na pader lang ang pagitan ng opisina namin.
CLARK: Anong gawa mo?
AKO: Work din gaya ng gawa mo. Hahaha!
CLARK: Kain tayo mamaya sa Greenbelt, may bagong bukas daw na resto dun.
AKO: oh cge, libre mo ako ulit.
CLARK: Syempre, ikaw pa.
Ganun lang kasimple ang aming mga usapan, na minsan ay sinasabi ng mga kaibigan kong baduy na daw, Lalo at lalabas sa news feed ng karamihan ang personal namin usapan at lambingan. Hanggang sa sinagot ko na si Clark. Mas lalong naging makulay ang buhay at bawat araw na magkasama kami. Sabi ng iba, kapag KAYO na, mawawala na ang lambing? Pero hindi sya ganun, bahagi na yata ng buhay nya ang mag-msg or mag-post sa FB wall ko. Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng masamang balita. Nasa ospital daw si Clark, isinugod ng kuya nya dahil nahimatay habang naliligo. Halos magunaw ang mundo ko ng kausapin ako ng doctor nya..."He has CANCER of the liver, and only a few will survive in this rare kind of cancer. Hindi na sya tatagal ng isang taon" Halos sampalin ko ang DR.Remedios na yun! Gago ba sya! Sino sya para sabihing mawawala na sa akin si Clark?! Hindi ko sya pinuntahan sa ICU ng araw na yun. Umuwi ako ng bahay, nagkulong sa kwarto, ng biglang> Beep! Beep! May nag-msg sa akin, FB yun alam ko kasi iba ang toned assigned pag sa facebook.
CLARK: Hello baby, anong gawa ng baby ko? Pinapakinggan ko yung song napili natin para sa wedding SANA natin..."I DO Cherish you, for the rest of my life..."
AKO: (hindi ako makasagot sa tanong nya, alam na ba nya ang tungkol sa sakit nya?)
CLARK: Baby, bakit hindi na reply, nakikita kita. ayan oh! naka-green yung button sa FB wall mo, ONLINE KA! hehehe! Punta ka dito baby dalawin mo ako.
AKO: Cge punta ako. (matipid kong sagot)
Hindi ko kakikitaan ng kahinaan si Clark ng makita ko sya sa hospital bed nya... Mula noon, ako nagpapalit ng damit nya, ako naglilinis ng dumi at ihi nya, ako ang nagsusubo ng pagkaing ospital na walang lasa sa kanya... at kahit na nandun ako sa room nya, biglang tutunog ang iphone ko sa mga mensaheg galing sa kanya.
CLARK: (What's on you mind) Celine, Celine, Celine is always on my mind.
Baby, sabi ng doctor ko, malapit na finish line. Samahan mo ako hanggang maaabot ko yung race ribbon hah? Pasensya ka na pagkatapos ng karera, hindi na kita pwdeng isama sa kabilang lane. Iiwan na kitang mag-isa. Pero tapusin mo yung karera mo hah? magkikita pa rin naman tayo sa finish line mo...ako may hawak ng trophy mo...
Hindi ako makasagot sa post nyang yun. Hindi namin pinag-uusapan ang kalagayan nya pag personal kaming magkasama, lahat ng damdamin nya inilalabas nya sa Facebook.
Hanggang ng umagang yun, dumating ako ng mga 8 ng umaga sa room nya. May dala akong almusal for him...kahit alam kong hindi ako papayagan ng mga nurses para ipakain sa kanya... Nagulat ako ng makita ko ang nanay at tatay nya sa tabi ng kama nya..Hinanap ko sya, wala sya dun, tumakbo ako sa CR, (nagbagsakan sa sahig ang mga dala kong prutas)... baka kako naihi ng wala pa ako. Hanggang makita ko ang salamin sa banyo...
"BABY, NALOWBAT YUNG CELL KO EH, HINDI NA AKO NAKAPAGPAALAM SAYO, PASENSYA KA NA HINDI KITA NA-GREET KANINANG UMAGA.... ILOVE YOU!"
Halos panawan ako ng ulirat ng mga oras na iyon...Wala na sya... WALA NA!!!!!!!!! Iniwan na nya ako...
Nagising ako na nasa kama na din ng ospital na yun, nawalan daw ako ng malay dahil sa masamang balita... Pero sabi ng doctor, nagbilin daw si CLARK sa kanya bago sya malagutan ng hininga ng buhay... "Doc, pakisabi kay Celine, ito ang password ko sa FB ko, ******** lagi syang mag-msg sa akin, kasi babasahin ko kahit nasa langit na ako"..........
At ngayun ngang ganitong hapon na walang magawa... bubuksan ko ang FB account ko... ita-type sa SEARCH FRIEND box ang pangalang... "CLARK MERARZA". At kahit na hindi na GREEN yung button sa profile nya...magme-message pa din ako... Kahit na kulay GREY na ito...ipapaalam ko sa kanya kung gaano ko sya minahal at mamahalin kahit wala na sya..... At maiisip ko.... CLARK IS CURRENTLY OFFLINE, Leave a message on his wall.....
No comments:
Post a Comment